- Ayon kay Karen Davila, hindi siya pwedeng mag-interview ng mga presidential aspirants sa kanyang YouTube channel
- Bahagi daw kasi siya ng mas malaking news team kung kaya't ang mga balitang may kinalaman sa eleksiyon ay lalabas lamang doon
- Nilinaw naman niyang tuloy-tuloy ang pagbibigay niya ng inspiring stories sa kanyang sariling channel
Nag-reply ang kilalang Kapamilya anchor na si Karen Davila sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang mensahe sa mga taong gusto siyang mag-interview ng nga presidential candidates.
Aniya, nababasa niyang lahat ang mga mensahe at komento na magkaroon ng isang panayam sa kanyang YouTube channel ngunit pinagbawalan siya umano dahil sa polisiya ng kanilang kompanya.
“I have read all your messages and am getting several requests to feature some of your favorite candidates or do Presidential interviews on the channel.” Panimulang pagbabahagi niya.
“Having joined TV Patrol last October as one of its news anchors, I am restrained from doing political interviews on my vlog specially during this campaign period. Tama po ito.”
“Kung mapapansin nyo po, ang huling political personality na naka-usap ko ay si Dr. Willie Ong, at inilabas ko po yon bago po ako sumali ng TV Patrol.” Paglilinaw ni Karen.
Nirerespeto at sinang-ayunan naman niya ang patakarang ito ng TV Patrol, “I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS-CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat dapat lumabas lamang sa ABS-CBN o sa ANC.”
Dagdag pa ng Kapamilya anchor, tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga inspiring stories sa kanyang YouTube, “We will continue to do inspiring life stories on my channel! To God be the glory always,” post ni Karen sa kanyang Instagram account.