- Inisa-isa ni Janine Gutierrez ang mga mami-miss niya ngayong patapos na ang kanilang seryeng Marry Me, Marry You
- Ibinahagi pa nila na naging mas malapit pa sila sa isa't-isa habang binubuo ang kanilang serye
- Inamin rin nilang paborito nila ang scene kung saan makikitang naliligo ang karakter ni Janine at papasok si Paulo
Tila naging masaya ang naging samahan nina Janine Gutierrez at co-star nitong si Paulo Avelino sa kanilang “Marry Me, Marry You” na napapanood gabi-gabi.
Pinunto kasi ni Janine kung anu-ano ang mga mami-miss niya kasama si Paulo ngayong patapos na ang kanyang unang Kapamilya teleserye sa kanilang finale conference ng naturang serye.
Ani Paulo, totoo nga daw pala ang “sepanx” o separation anxiety lalo na't naghiwa-hiwalay na sila pagkatapos ng ilang buwang taping.
“Mas mahirap ‘yung sepanx na nami-miss mo ‘yung fellow cast members dahil naka-bubble kami. At araw-araw naming nakikita ‘yung isa’t isa. Sabay-sabay kami kumakain,”
Sumang-ayon naman si Janine at inamin rin niyang naiyak siya sa last taping dahil grabe daw umano ang samahan na nabuo sa pagitan ng mga casts.
“Ang mahirap talaga for me ay ‘yung ‘di mo na makikita ulit ‘yung mga mamang, mga madir mo, at ‘yung family mo. At si Papang. ‘Yun talaga ‘yung nagpaiyak sa ‘kin nung mga last tapings namin kasi grabe ‘yung samahan na nabuo namin,”
“Mami-miss ko ‘yung pa-lechon ni Pau kasi may time na palagi siya nagpapa-lechon on set kahit walang birthday. Nami-miss ko na inuunahan ko siya sa set,” dagdag pa ng aktres.
Tinanong namang sila kung anong eksena sa palabas ang talagang tumatak sa kanilang dalawa. Sagot ni Janine, paborito niya daw ang kulitan nilang mag-asawa at ang eksena kung saan naliligo siya at papasok naman si Paulo.
“Favorite scene ko ‘yung mga kulitan ng mag-asawa. ‘Yung mga nakakatawa nung sinu-shoot na namin ni Pau. Ginagawa ba talaga natin ‘to. ‘Yung parang may kababalaghang nangyayari sa sala tapos may pumasok na tao ta’s kailangan magtago,” sagot ni Janine.
“O ‘yung naliligo ako tapos bigla siyang papasok. ‘Yung mga eksena na ako as a viewer, hindi ko pa napapanood sa teleserye na super light, charming and sweet way,”
Sumang-ayon naman si Paulo at sinabing ito rin ang paborito niyang eksena sa Marry Me, Marry You.