Agot Isidro, tinarget ng mga bashers; nakiusap sa TV5 na huwag siyang gamitin bilang “social media engagement”

Agot Isidro, tinarget ng mga bashers; nakiusap sa TV5 na huwag siyang gamitin bilang “social media engagement”

Agot Isidro, tinarget ng mga bashers; nakiusap sa TV5 na huwag siyang gamitin bilang “social media engagement”
- Naglabas ng saloobin si Agot Isidro sa TV5 na huwag naman daw siya sanang gawin bilang pampahatak ng engagements para sa Instagram account nito

- Pinutakte rin kasi si Agot ng mga bashers sa post ng TV5 na sinasabing matanda na ito at pangit

- Dinelete naman na ng TV5 ang kanilang post pagkatapos mabasa ang tweet ni Agot

Hindi nakaligtas si Agot sa mga netizens na mapanghusga kaya naman naglabas ito ng saloobin pati na rin sa TV5 na dahilan kung bakit siyang pinutakte ng bashers.

Nagiging usap-usapan rin kasi siya noon sa kanyang mga politikal na pananaw na ibinabahagi naman niya sa kanyang social media accounts.

Nito lang ay nakatanggap si Agot ng mga hindi magagandang komento dahil sa post na ginawa ng content creator ng TV5 para sa Instagram account nito.

Nirepost kasi ng Instagram account ng TV5 ang isa sa post ni Agot na makikita rin sa IG niya na may caption na: “Signature look for 2022. “Happy” What's yours?” 

Tinawag naman niya ang atensiyon ng nasabing istasyon at sinabi nito na sana ay huwag siyang gawin bilang isang social media engagement.

“To @tv5manila, would appreciate if you do not make me a target for your socmed ‘engagement’. Thank you!” ani Agot sa kanyang tweet.

Hindi naman pinalagpas ng aktres ang mga bashers at naglapag pa ng komento sa mga ito sa kanyang Twitter account: “Been getting a lot of comments from this post by @tv5manila. To my bashers. 1. Sana di kayo tumanda. 2. Sana mas maayos ang ichura nyo dito pag 55 na kayo. 3. Ang pagbabatikos ko ay para sa inyong kapakanan”.

Sa ngayon ay deleted na ang nasabing kontrobersyal na post ng TV5 Manila sa Instagram. Napapanood naman si Agot Isidro sa La Vida Lena sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z.