- Nag-usap sina Ogie Diaz at 'Mama Loi' patungkol kay Madam Inutz kung saan iniligtas ito ni Wilbert Tolentino sa PBB
- Ayon kay Ogie, kung sa tingin ni Wilbert ay dapat pang manatili si Madam Inutz sa bahay ni Kuya, gagawa ito ng paraan
- Ipinahayag rin ni Ogie na isang “taumbayan” si Wilbert na nanonood rin ng nasabing reality show
Si Ogie Diaz ay isang comedian at talent manager ng kilalang Kapamilya star na si Liza Soberano. Isa rin ito sa pinaka-outspoken na celebrity mapa-politika at sa mga industriya ng mga artista.
Nito lang nagdaang araw, naglapag ang talent manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino ng 64 Million diamonds upang isalba ang kanyang talent mula sa nominasyon sa PBB. Nagulat rin ang marami dahil nagawa niya ito para lang sa kanyang inaalagaang talent.
Nalaman namin na ang 64 million diamonds sa Kumu ay naghahalaga ng halos 400k-500k sa pera ng Pilipinas.
Kasabay ng mga pangyayari sa PBB, nagpost ulit si Ogie Diaz ng isang “showbiz vlog” sa kanyang YouTube channel kasama si 'Mama Loi'. Dito ay pinag-usapan nila ang ginawang pagliligtas ni Wilbert Tolentino kay Madam Inutz.
Ayon kay Loi, tinulungan ni Wilbert si Madam Inutz sa pagbibigay nito ng tulong para sa house and lot at sa pag-aalaga niya sa ina ni Madam Inutz.
"Grabeng pagkakaibigan 'to, nay. Binigyan ng lupa't bahay, tapos yung nanay inasikaso habang wala si Madam Inutz. At ang pinaka latest na bonggang ginawa ni Sir Wilbert para kay Madam Inutz eh yung niligtas siya from being evicted."
Sa kabila ng kinakaharap ng issue nina Wilbert, ibinahagi ni Ogie na naiintindihan niya ang naging desisyon ni Wilbert para isalba si Madam Inutz.
"Sa totoo lang, kahit ako naman na manager, ililigtas ko rin yung talent ko kung gusto ko siyang manatili dun hanggang sa maging Big Winner siya, yun ang gagawin ko. Ganun talaga sa Kumu eh. Kung ang tayaan ng buhay ay kung sino ang pinakamataas ang makukuhang dias, maisasalba, eh di gagawa ako ng paraan. Mamumuhunan ako, maglalabas ako ng pera, otherwise, mananawagan ako sa social media na kung sino yung mga naniniwala sa aking alaga baka pwedeng maisalba. Yun yung ginawa ni Sir Wilbert."
Sa ibang usapan, nagreact naman sila sa naging national costume na “Bakunawa” ni Beatrice Gomez para sa nangyaring Miss Universe nito lang nakaraang araw.