- Case solved na ang pinag-uusapang pagpatay sa magkapatid na Maguad Siblings
- Sinampahan na ng kaso ng pulisya ang dalawang kumpirmadong suspek
- Dahil umano sa galit, inggit at selos kaya nagawa ng suspek ang pagpatay sa kawawang magkapatid
Case solved at makukuha na ng pamilya Maguad ang hustisya sa walang awang pagpatay sa magkapatid na sina Crizzle Gwen at Crizzule Louis.
Nitong nagdaang mga araw lamang ay umamin na ang suspek na kinilalang si alyas Christine, ang estudyante rin na kaibigan at inampon ng pamilya Maguad na siyang kinilala bilang unang nakaligtas sa krimen.
Sinampahan na ng kaso ng PNP si Christine kabilang pa ang isa na kasalukuyang pinaghahanap na ngayon ng pulisya.
Sa pahayag ng pulisya ay mismong si Christine na ang umamin sa pag-gawa ng karumaldumal na krimen, inamin nitong dahil sa matinding galit, selos at inggit ang nagtulak sa kaniya kaya niya nagawa ang krimen.
Malaking pagpapatibay pa sa kaso ang mga nakuhang finger print mula sa mga murder weapon na martilyo at baseball bat na kapwa nakitaan ng finger print ni Christine, mga murder weapon na tanging si Christine at ang pinatay niyang si Gwen lamang ang nakaka alam ng kinalalagyan.
Dahil sa pagiging menor de edad pa ang suspek ay nasa pangangalaga siya ngayon ng DSWD sa kanilang lalawigan habang kasalukuyang pinaghahanap pa ang kasabwat niya na hindi pa pinangalanan ng pulisya.