- ABS-CBN movies kinagigiliwan sa Spain
- Spanish-dubbed ng Filipino TV series na "Pangako Sa 'Yo", extended ang availability sa YouTube
Kilala na ang ABS-CBN sa pagbibigay ng mga leading Filipino contents hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.
Noong 2012, nakapagbigay ang ABS-CBN International Distribution ng 30,000 hours of contents na naging maingay sa halos 50 teritoryo worldwide. Hindi rin maikakaila na sumikat rin sa ibang bansa ang mga Kapamilya stars tulad nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa dahil sa kanilang teleserye na "Pangako Sa 'Yo" na ipinalabas din abroad noong 2002 na may international title na "The Promise".
Habang padami nang padami ang fans ng Filipino movies worldwide, nagrelease ulit ang ABS-CBN Films Star Cinema ng tatlong naglalakihang movies para mapanood ng mga Spanish-speaking viewers sa YouTube.
Kasama sa listahan ang "The Third Party" na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo na may Spanish title na "Triangulo de Amor". Umiikot ang pelikula tungkol sa komplikadong relasyon nina Andi (Angel) sa kanyang ex-boyfriend na si Max (Sam) kasama ang kanyang present boyfriend na si Christian (Zanjoe).
May Spanish-dubbed rin ang "You're My Boss" ("Un Amor Entre Jefes") ng Kapamilya stars Coco Martin at Toni Gonzaga. Sumisentro ito sa kwento ng matalino at bossy na airline company executive na si Georgina (Toni) na gagawin ang lahat para maging successful ang mga important deals sa mga foreign investors.
Ang classic Pinoy horror film na "Feng Shui 2" ni Kris Aquino at Coco Martin, may Hispanized dub rin. Kwento ito ni Lexter (Coco) na nagnakaw ng (isinumpang) Bagua. Makikilala niya si Joy (Kris), ang dating may-ari ng bagua at sabay na lulutasin ang misteryong bumabalot dito.
Samantala, ang availability ng Spanish-dubbed Filipino TV series “Pangako Sa ‘Yo” (La Promesa), “Dahil May Isang Ikaw” (Corazones Cruzados), at “Bridges of Love” (Puentes de Amor) ay extended hanggang November 30 (Manila time) sa official YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.