- Sa isang panayam ay naglabas ng kaniyang saloobin si Nadine patungkol sa paparating na Halalan
- Ibinahagi nito na hindi niya ipinagpipilitan sa iba ang nais niyang iboto
- Nirerespeto rin umano niya kung sino man ang iboboto ng iba
Sa isang panayam ay nagbahagi ng kaniyang saloobin si Nadine Lustre patungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong Halalan.
Naitanong kasi siya kung sino nga ba ang napupusuan niyang iboto bilang presidente ngayong darating na Halalan.
Diretsahan naman niyang sinagot na all out ang suporta niya kay Vice President Leni Robreno, ngunit hindi umano niya ipagpipilitan sa iba ang iboto ang gusto niya.
Aniya na nire respeto niya ang lahat sa kung sino ang gusto nilang iboto, kaya naman makabubuting irespeto rin nila ang kung sino ang iboboto niya.
“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way.
"It's like why would you be ashamed of your picks. Ako naman, if you don't like my pick, eh 'di that's your problem. Ako I know who I'm gonna vote for.
"It's just like that. I respect everyone's preferences... That's yours and I respect that, and I hope people do the same to me," paliwanag ni Nadine sa podcast nina Jim at Saab.