- Nag-post ang isang Facebook account na may pangalang 'Peter Musngi' na nagsasabing may offer daw di umano ang GMA-7 sa Kapamilya voice over artist
- Isang showbiz account sa Twitter ang nagbalita sa nasabing issue
- Sinagot naman ni Raine Musngi, ang anak ni Peter Musngi, ang mga haka-haka kung totoo ba ito o hindi.
Nito lang November 28, umusok sa Facebook at Twitter ang isang Facebook post na nagsasabing lilipat daw ang Kapamilya voice over artist na naririnig natin sa mga ABS-CBN teleserye teasers at trailers. Ang may-ari ng nasabing Facebook post ay may pangalang 'Peter Musngi', ang pangalan rin ng DJ at news anchor ng ABS-CBN.
Kilala si Peter Musngi sa mga teleserye ng ABS-CBN dahil siya ang voice artist sa likod ng mga kamangha-manghang boses sa mga trailers nito. Siya rin ang nagboses sa mga “plugging” ng mga iconic Asianovela teasers.
Simula 1986, naglilingkod na sa Kapamilya Network si Peter Musngi, dahil sa kakaiba niyang boses ay siya ang binansagang “Golden Voice” ng ABS-CBN. Sa katunayan, siya ang key person sa media conglomerate ng Manila Radio Division at ABS-CBN Sports.
Nang pumutok ang bali-balitang lilipat daw sa GMA Network si Peter Musngi bilang news anchor ng Unang Hirit, 24 Oras, at ng “The Peter Show”, nag-tweet ang isang showbiz account patungkol dito.
May isang netizen ang nag quote retweet sa nasabing tweet ay minention ang kapwa news anchor ni Peter Musngi at anak nito. “Hi, @RaineMusngi do your in Mr. Peter Musngi rumored transfer from network dahil kung ay totoo or not mahilig lang fake news at Facebook account nila eh dahil hindi totoo account sana masagot lang to po!!!!! Thanks” ang sabi ng netizen na nag quote retweet.
“Fake account. Fake news. #KapamilyaForever” ang komento ni Raine Musngi, ang anak ni Peter Musngi patungkol sa mga kumakalat na balitang lilipat ang kanyang ama sa ibang istasyon.
Ang nasabing Facebook post ay deleted na sa Facebook at hindi na rin makita ang account nito.