THROWBACK! Dating 90s child star na si Goyong, nag-trending dahil sa re-creation ng sayaw na pinauso n'ya sa TikTok!

THROWBACK! Dating 90s child star na si Goyong, nag-trending dahil sa re-creation ng sayaw na pinauso n'ya sa TikTok!

THROWBACK! Dating 90s child star na si Goyong, nag-trending dahil sa re-creation ng sayaw na pinauso n'ya sa TikTok!

- Maraming manonood ang nakakaalala pa sa dating 90s child star na si Steven Claude Goyong o mas kilala bilang si "Goyong".

- Nakilala s'ya dahil sa sayaw na pinauso n'ya noong 1990s sa talent portion ng isang segmemt ng "Eat Bulaga".

- Nag-trending ang "re-creation" ng "Pepito" dance at pinakita muli ni Goyong ang kanyang dance moves sa TikTok.

Naalala n'yo pa ba ang child star na si "Goyong"?!

Siguradong maraming manonood ang nakakaalala pa sa bibong batang ito na sumali s'ya isang segment ng noontime show na "Eat Bulaga", ang "That's My Boy", noong 1998, at sa talent portion nito, sumayaw ang noo'y 5-taong gulang na si Goyong sa saliw ng dance song na "Pepito", na naging dance craze din noong panahong iyon.

At iyon din ang nagpasok kay Steven Claude Goyong (sa tunay na buhay) sa showbiz, at nakilala s'ya bilang genie sa sitcom na "Beh Bote Nga", na nagtuloy-tuloy sa ilang serye at pelikula gaya ng "Pedro Penduko: The Return of The Comeback" noong 2000, "Biglang Sibol: Bayang Impasibol" at ilang episode ng MMK. Laman din s'ya noon ng commercials hanggang noong 2007 nang magdesisyon ito na mag-focus sa pag-aaral. Nagmigrate ang pamilya ni Goyong sa Amerika. Nagbalik naman sa Pilipinas ang dating child wonder noong 2014 para magkolehiyo, at pagkagraduate n'ya noong 2017, nagbalik s'ya sa Eat Bulaga upang maging isa sa production staff.

Nitong October 7, inupload ng ngayon ay 28-anyos na si Goyong sa kanyang TikTok account ang isang "re-creation" ng "Pepito" dance, bilang tugon sa isang netizen na tila nanghamon sa kanya na gawin ulit ang sayaw na iyon.

"Hala, big boy ka na, Goyong! Isa ngang cha-cha diyan... Pepito, mi corazon!"

Kaya naman, di na s'ya nagpatumpik-tumpik pa na muling umimdak sa kanyang pinausong sayaw. At tinag pa ang Streetboys member na si Spencer Reyes, na sinayaw din ang "Pepito" noong kasikatan nila.


Nag-trend ang naturang video at as of this writing, umabot na ito sa higit 103,000 reactions at nasa 1400 shares sa iba't ibang social media. 'Di halatang namimiss pa rin ng marami si Goyong lalo na ang kakulitan n'ya sa telebisyon.