"Sa Eleksyon please.. huwag na tayong magpanakaw ulit," Vice Ganda nanawagan sa Madlang Pipol

"Sa Eleksyon please.. huwag na tayong magpanakaw ulit," Vice Ganda nanawagan sa Madlang Pipol

"Sa Eleksyon please.. huwag na tayong magpanakaw ulit," Vice Ganda nanawagan sa Madlang Pipol
- Sa Friday Episode ng It's Showtime para sa ReiNanay ay naantig ang puso ni Vice sa isang kalahok

- Ang naturang contestant ay isang guro na ipinangakong tutulong sa kaniyang mga estudyante kapag ito ay nanalo

- Dahil sa bagay na ito ay naantig ang puso ni Vice Ganda at nanawagan para sa Madlang PiPol

Sa naganap na friday episode ng It's Showtime para sa segment nilang ReiNa ng Tahanan ay nakausap ni Vice Ganda ang isa sa mga contestant nito.

Naantig ang puso ni Vice ng mapag alaman niyang ang contestant na si ReiNanay Melanie na isang grade school teacher ay teacher ay ibabahagi ang anumang mapapanalunan niya para sa ilang estudyante niyang naghihirap at walang pambili ng gadgets.

"Sobrang makapuso, makatao itong si Nanay," pakli ni Vice ng mapakinggan niya ang gagawing ito ni teacher Melanie.

“Samantalang ang ibang government officials, my God, magkano ang ipinapatong nila sa mga kontratang ipinambibili nila? Kuning-kuning, echos-echos, ibibigay kunyari sa eskuwela, pang medical equipment. Nakakaloka!”

Dito ay nagbigay siya ng halimbawa patungkol sa kurapsyong naganap sa P67B na nakita ng COA sa DOH, maging ang kwestiyonableng pagbili ng mahal na napkin at iba pang kagamitan ng OWWA.

“Iyong iba, ang laki na ng cut niyo, hindi pa kayo nakuntento talaga. Ang kakapal na ng mukha ng madami. Sana tablan naman ho kayo. Marami sa ating mga opisyales, maawa naman ho kayo, hirap na hirap na ‘yung mga tao,” ani nito.

“Sa ating mga officials, bigyan niyo po kami ng hustisya. Bigyan niyo po ng hustisya ‘yung mga ninakaw sa aming mga Pilipino na taxpayers, kasi pera natin ‘yun. Utang na loob, bigyan niyo kami ng hustisya. Ang lala ng nakawan. Nakakaloka.

“Sa eleskyon talaga, please, huwag na tayo magpanakaw ulit,” he said. “Magparehistro na ‘yung mga hindi pa nagpaparehistro, utang na loob. Bigyan niyo ng hustisya ang bawat isa. At 'pag magparehistro, bumoto tayo," dagdag pa nito.