- Nagsimula nang ipalabas ang inaabangang Kapamilya serye na "Marry Me, Marry You".
- Ito ang unang proyekto ng aktres na si Janine Gutierrez bilang isang Kapamilya, kasama si Paulo Avelino. Ito rin ang unang Kapamilya show ni Sunshine Dizon.
- Umani ito ng maramingpapuri at nagtrend ito dahil sa feel good ang storya at pasok sa panlasa ng mga manonood at netizens.
Nitong Setyembre 13, sinimulan nang ipalabas ang Kapamilya series na "Marry Me, Marry You". Ito ang pumalit sa isa ring pinag-usapang serye na "Init Sa Magdamag".
Ang naturang bagong serye ay pinagbibidahan nina Paulo Avelino (Andrei) at Janine Gutierrez (Camille). Ito ang nagsilbing unang Kapamilya project ni Janine bilang Kapamilya.
Kasama rin sa naturang serye sina Vina Morales, Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Joko Diaz, at Sunshine Dizon, na gaya ni Janine ay unang Kapamilya show nito.
Umpisa pa lang ng serye ay agad itong pinagusapan at nagtrend sa social medya dahil pasok na pasok ito sa panlasa ng manonood at netizens dahil sa sadyang pampamilya ang tema ng serye lalo na sa mga tipikal na ganap sa mga Pinoy tungkol sa pagpapakasal.
Sa unang episode nito, na pinamagatang "Family", doon nasagot ang tanong kung bakit tatlo ang naging pamilya ni Camille (Janine) sa kwento, kung saan pinagkatiwalaan sya ng mga matatalik na kaibigan ng kanyang ina na si Judith (na ginampanan ng real-life mother ni Janine na si Lotlot De Leon) na sina Paula (Sunshine), Elvie (Cherry Pie) at Marvi (Vina).
Dahil sa kanser at maaring mawala anumang oras, ibinilin na ni Judith ang batang si Camille (na ginampanan naman ni Angeline Tan) sa kanyang best friends. At dahil doon, nagkaroon ng salu-salo at living eulogy, na alinsunod sa huling hiling ni Judith. Habang sumasayaw si Camille sa harap ng ina at mga magiging ina nito, doon na pumikit at binawian ng buhay si Judith at doon bumuhos ang luha sa pamilya ni Camille.
At sa paglaki ni Camille, doon naipakita ang kani-kanilang pamya nina Paula, Elvie at Marvi.
Nagkaroon rin ng isang malaking desisyon si Camille sa kanyang noon ay boyfriend na si Rick (Akihiro Blanco) kung ito ay magpapakasal sa kanya at magmigrate na lang patungong Brazil kung saan nandoon ang trabaho nito o manatili na lang sa Pilipinas at sa mga pamilya nito. Pinili ni Camille ang huli.
Napag-alamang gumagawa rin ng paraan si Camille upang maibalik ang townhouse ng kanyang ina na naipagbili matapos ang pagpanaw nito.
Pinagusapan ang naturang pilot episode, kaya naman umusad hanggang #2 ang hashtag na #MMMYFamily, habang pinuri ng netizens ang set-up ng production, ang original soundtrack nito at ang pagganap ng cast, lalo na sina Janine, Sunshine, Cherry Pie at Vina.
Tila buhos-luha ang eksena ng "living eulogy",na naging dahilandin ng pagbaha ng komento dahil sa naiiba ang naging takbo ng produksyon na ikinatuwa ng marami.
Tiyak na sa mga susunod na gabi ay mas aabangan ang naturang serye, lalo kapag nagkrus na ang landas nina Janine at Paulo.
Ang "Marry Me, Marry You" ay sa ilalim ng direksyon nina Dwein Baltazar at Jojo Saguin at mapapanood tuwing alas-9:25 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, TFC, WeTV iflix at sa free TV sa pamamagitan ng TV5 at A2Z Channel 11.