- Sa isang interview with Tito Boy ay sinagot ni Janine ang tanong nito sa kaniya
- Kung dapat lamang daw bang huwag payagang tumakbo sa eleksyon ang mga may kaso na ng Korapsyon
- Inihalintulad naman ito ni Janine sa mga pangkaraniwang tao na kumukuha ng requirements sa trabaho
Sa isang interview with Tito Boy Abunda ng 'Marry Me, Marry You' star na si Janine Gutierrez ay sinagot nito ang isang tanong na napapanahon sa kasalukuyan.
Sa nasabing interview ay tinanong ng batikang tv host si Janine patungkol sa kung ano ang opinyon niya sa mga politikong nais tumakbo ngayong eleksyon ngunit may nakabinbing kaso ng korapsyon.
"Sa iyong opinion Janine, dapat bang payagang tumakbo ang isang taong may corruption or plunder case?," tanong ni Tito Boy.
At sinagot naman ito ni Janine kung saan inihalintulad niya sa mga pangkaraniwang mamamayang kumukuha ng requirements para sa trabaho.
"Ah diba Tito Boy kapag sa trabaho hindi ka matatanggap kapag wala kang NBI clearance?.
"So siguro, maybe it should be the same for everyone kung merong mga outstanding na hindi pa saradong kaso or things like that," sagot ni Janine.
Panoorin ang kabuuan ng interview: