- Inilabas na ang hatol para kay Jonel Nuesca ngayong araw, ang nahuli sa video na kumitil ng kapitbahay
- Makukulong ng mahigit sa 40 years si Nuesca dahil sa 2 counts of murder
- Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad din ito ng mahigit sa isang milyon
Inilabas na ngayong araw ang hatol para kay Jonel Nuesca, ang pulis na nahuli sa video sa pamamaril at pag patay sa mag-inang kapitbahay niya.
Ito ay hinatulan ng 'Guilty' beyond reasonable doubt para sa 2 counts of murder.
Bukod sa pagkakahatol ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 40 years ay kinakailangan din niyang magbayad ng mahigit sa isang milyon para sa kaanak ng mga gregorio na pinatay niya.
Matatandaang naging viral ng nakaraang taon ang video kung saan napanood ang walang awang pagbaril niya sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio na ikinamatay ng mga ito.