- Nitong Lunes, Agosto 23, opisyal nang pumasok si Kapamilya actress Julia Montes sa bagong season ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano".
- Nang itanong sa dating kapareha ni Coco sa FPJAP na si Yassi Pressman ang pagpasok ni Julia sa serye, sinabi nito na "excited" sya at ito raw ay "great move".
- Ayon pa kay Yassi, alam n'ya kung gaano namiss ng mga Kapamilya si Julia at hangad nya ang best para sa cast ng kanyang dating serye.
Nitong Lunes, Agosto 23, nagsimula na ang "bagong yugto" ng Kapamilya teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano". At sa nalalapit na ika-anim na taong anibersaryo ng buhay ng kwento ni Cardo Dalisay (Coco Martin), maraming aabangang bago sa serye, kabilang na ang mga bagong karakter sa storya. Isa sa tampok d'yan ay ang pagpasok ni "Daytime Drama Queen" na si Julia Montes sa primetime series, bilang si Mara, na nagkataong yun rin ang kanyang tunay na pangalan sa labas ng showbiz.
Sa isang virtual media conference, naitanong sa aktres at host na si Yassi Pressman ang naturang pagpasok ni Julia sa serye. Si Yassi ang isa sa naging leading lady ni Coco bilang si Alyana, na namatay noong Enero 2021 sa gitna ng bakbakan ng Task Force Agila ni Cardo at ang Black Ops ni P. Maj. Albert De Vela (Geoff Eigenmann), na s'yang totoong nakapatay sa asawa ni Cardo, at P. Capt. Lia Mante (Jane de Leon).
"I am so excited. Noong nakita ko, sabi ko, this is definitely a great move," reaksyon ni Yassi.
"Kasi po sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes. Ang tagal-tagal po n'ya nagpahinga siguro. I don't know what she did, but I know it was great for her," dagdag pa ng aktres.
Sigurado rin si Yassi na ang pagpasok ni Julia sa serye ang inaabangan ng lahat ng manonood.
"I just wish them the best kasi alam ko po na kahit anong gawin ng Ang Probinsyano family, it will always goung to be hard, pinag-isipang mabuti at laging exciting," banggit pa ng aktres.
Kinailangang magpaalam sa FPJAP si Yassi noong Enero ng taong ito para sa kanyang susunod na proyekto, gaya ng game show na "Rolling In It Philippines" na kasalukuyang umeere sa TV5 at isang movie na remake ng isang 2009 Korean film na "More Than Blue" kasama ang isa pang dating naging cast ng FPJAP na si JC Santos.