- Dalawang buwan lang sana ang appearance ni Shaina Magdayao sa FPJ's Ang Probinsyano ngunit napalawig pa ito nang higit isang taon
- Ayon kay Shaina, nakatulong umano ang patuloy na suporta ng mga Kapamilya, Kapatid at mga tagasubaybay sa online at cable kaya patuloy na napapanood ang FPJAP.
- Mas lalong naintindihan ni Shaina ang kahalagahan ng salitang "Kapamilya" lalo sa mga nagdaang pagsubok ng kanyang "tahanan" sa loob ng 25 taon.
Tatagal lang sana ng dalawang buwan ang appearance ni Kapamilya actress Shaina Magdayao sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”, ngunit nagtagal sya nang higit isang taon, sa panahong binabagyo ang ABS-CBN ng pagsubok dulot ng coronavirus disease 2019 (CoViD19) pandemic at ang pagkakabasura sa prangkisa ng Kapamilya Network.
Unang lumabas si Shaina sa serye noong Pebrero noong Pebrero 2020, bilang si Police Major Roxanne OpeƱa, na itinalaga para makatuwang sa karakter ng bidang si Coco Martin na si Cardo Dalisay at ang Task Force Agila sa isang misyon.
Naging magkasalungat man sa simula, napatunayan ni Roxanne na isa s'yang kakampi kasama si Cardo at ang grupo, na tinawag nang mga pugante, habang nilalabanan nila ang mga masasamang loob at ituwid ang pamamalakad sa bansa.
“My character is still alive, the show is still alive. We’ve been extended and extended and extended,” ayon kay Shaina sa panayam sa kanya ni Miguel Dumawal ng ABS-CBN News.
“It’s all because of the support of our Kapamilya, and our Kapatid, at ‘yung mga nanonood online. Who would have thought, that in the middle of the pandemic, magiging very successful pa ang ‘Probinsyano.’ I’m very, very grateful,” sabi pa nya.
Ang naturang serye, na consistent sa pagiging #1 at pinakapinapanood na teleserye sa bansa sa telebisyon mula noong inilunsad ito noong 2015, ay lumipat na sa digital noong Hulyo 2020, matapos tanggihan ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.
Mula noon, sunud-sunod ang mga bagong record at milestone sa seryeng yun ni Cardo, lalo na sa concurrent viewership nito sa online, mula sa higit 50 libo sa unang salta nito sa digital hanggang sa higit 150 libong view sa YouTube pa lang noong Hunyo 2021.
Maski ang mga gaya ni Shaina ay nabigla sa mga magkasunod na araw na pagbasag ng record ng FPJAP nitong huli.
Bukod sa livetream ng ABS-CBN sa YouTube at Facebook, napapanood rin ang FPJAP sa Kapamilya Channel at CineMo sa cable, A2Z Channel 11 at TV5 sa free TV, iWantTFC, TFC at WeTV iflix sa digital.
Kung kaya't ang FPJAP ay napapalawig na nang maraming beses at paparating na rin ito sa ika-anim na taon nito ss Setyembre, ay di lamang patunay ng patuloy na pagiging sikat nito, ito rin ay dahil sa "kultura" ng mga tao sa likod ng kamera na na nakapagpapatuloy sa programa sa kabila ng krisis dulot ng pandemya.
“‘Yung drive namin was, if hindi kami mag-so-show up, paano ‘yung mga katrabaho namin magkakaroon ng trabaho? Our crew, our staff? Right now, it’s more than just being an actress. It’s more than just having a show. It’s actually functioning as a unit. We function as a family,” paliwanag ni Shaina.
Ayon pa sa aktres, maaring ang isa pang dahilan kung bakit patuloy na nae-extend ang palabas, ay dahil sa pagtutulungan at pagpupursige na maipagpatuloy pa ang nasimulan sa kabila ng pagsubok.
“Until now, I guess that’s why nai-extend nang nai-extend, because that’s our drive now. That’s our motivation now, more than ever. It’s not self-serving, kumbaga. Team effort siya talaga,” dagdag pa nya.
Lalo ring humanga si Shaina sa mga boss ng Kapamilya Network, lalo na kina President at CEO na si Carlo Katigbak at broadcast head Cory Vidanes, sa katapangan ng mga ito sa kabila ng mga panahong walang katiyakan.
“Sila talaga ‘yung perfect example of survivors who thrive. They just don’t survive, they’re thriving. When you look up to them and observe kung ano ang ginagawa nila, they are not doing this for themselves. They’re actually doing this for the network and for the employees,” sabi nya
Aminado si Shaina, na higit 25 taon na bilang Kapamilya na nitong huli lang nya naintindihan ang mas malalim na kahulugan ng katagang "Kapamilya", matapos ang mga nangyaring pagsubok noong isang taon. Para sa kanya, higit pa sa pamilya ang turing nya sa kanyang naging tahanan sa showbiz, ang ABS-CBN.
“It’s family, more than ever,” aniya.
“It’s true, whenever you face challenges, whenever your faith is tested, that’s when you see who your true Kapamilya are.”
Source: ABS-CBN News