Dating "Bituin" loveteam na sina Josh Santana at Carol Banawa, muling nagsama sa isang "virtual duet"!

Dating "Bituin" loveteam na sina Josh Santana at Carol Banawa, muling nagsama sa isang "virtual duet"!

Dating "Bituin" loveteam na sina Josh Santana at Carol Banawa, muling nagsama sa isang "virtual duet"!

- Muling nagsama sa isang virtual duel ang dating loveteam ng teleseryeng "Bituin" na sina Josh Santana at Carol Banawa.

- Dati ring nakilala si Josh Santana dahil sa Tagalog rendition nya ng isang Taiwanese song na ginamit sa classic Asianovela na Meteor Garden, habang isa sa mga sikat na hit maker at aktres si Carol Banawa sa ABS-CBN noong late 1990s hanggang early 2000s.

- Sa kasalukuyan, successful na sila sa kani-kanilang naging propesyon. Doktor na si Josh habang registered nurse naman si Carol.

Maaalala ng maraming manonood lalo na ng Kapamilya fans ang mga dating artista at mang-aawit na sina Josh Santana at Carol Banawa, bilang magkatambal sa musical teleserye na "Bituin", kung saan tampok rin sina Superstar Nora Aunor at actress-singer at primera contravida na si Cherie Gil.

Nitong nakaraang linggo at pinagusapan ang dalawa dahil sa isang video kung saan nagsama sila ulit para sa isang virtual duet ng awiting “Kailangan Kita".

Tila wala pa ring kupas sina Josh and Carol sa galing ng kanilang pagkanta at pagblending sa pag-awit ng lyrics at paghatid ng mensahe ng kanta sa video

Panoorin ang video na ito:


Ipinanganak bilang si Michael Alexander Alvarez Pamular, nagpasya syang gamitin ang screen name na Josh Santana kasunod ng kasikatang natamasa n'ya sa teleserye.

Noong 2005, pansamantala n'yang iniwan ang showbiz matapos ilabas ang theme song ng teen reality show na "Qpids", kasama si Nikki Gil, ang rendition ng "Dito sa Puso Ko"

Sa isang panayam sa CNN Philippines noong 2011, ibinahagi ni Josh ang dahilan kung bakit pinili nyang ang larangan ng medisina matapos ang tagpo na ibinahagi rin nya sa kanyang ama na nasa ospital noong taon ding yun.

Nakilala rin si Josh dahil sa kantang "Biyahe", na Tagalog rendition ng "Can't Help Falling" na orihinal na kinanta ni Harlem Yu na ginamit sa classic Asianovela na "Meteor Garden".

Sa kabilang banda, si Carol ay pamilyar na sa marami bilang isa sa mga pinakamatagumpay na OPM artist sa bansa, at isa sa mga premyadong talento ng ABS-CBN noong late 1990s hanggang early 2000s.

Nilisan nya ang Pilipinas upang manirahan sa Estados Unidos matapos ang halos dalawang dekada sa showbiz. S'ya ay naging registered nurse sa Amerika noong 2018.

Gumanap si Carol noon bilang si Melody Sandoval habang ginampanan din ni Josh ang kanyang sarili sa "Bituin" na umere sa ABS-CBN noong 2002 hanggang 2003, kapalit ng top-rating Kapamilya teleserye na"Pangako Sa’ Yo".

Info source: PUSH