"Sa Jollibee pa rin", Ilang celebrities, nagpakita ng suporta sa Jollibee matapos ang Crispy Towel incident

"Sa Jollibee pa rin", Ilang celebrities, nagpakita ng suporta sa Jollibee matapos ang Crispy Towel incident

"Sa Jollibee pa rin", Ilang celebrities, nagpakita ng suporta sa Jollibee matapos ang Crispy Towel incident
- Ilang kilalang celebrities at personalities ang nagpakita ng suporta sa Jollibee.

- Wala pang isang linggo ang nakalipas mula nung nagviral sa social media ang order ng isang ginang na sa halip na Chickenjoy ay towel pala na pinrito.

- Ilan sa mga nagpahayag ng suporta at mensahe ay mga kasalukuyang endorser din ng higanteng Pinoy fastfood chain.

Ilan pa sa kilalang celebrities at personalidad ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal sa higanteng Pinoy fastfood chain na Jollibee na kanila ring kinalakihan.

Ito ay wala pang isang linggo ang nakaraan mula nang pumutok ang viral incident sa social media noong June 1, kung saan sa halip na Chickenjoy ang sinerve na order ng isang ginang sa isang branch sa Metro Manila ay bimpo na tinubog sa breading at pinrito ang naideliver, na tinaguriang "TowelJoy". Kumalat ito at binigyan din ng ibang kahulugan at pambabash ng ilang netizens laban sa sikat na fastfood chain.

Ilan sa mga naghayag ng kanilang mensahe para sa Jollibee ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na naging endorser ng Jolly Spaghetti nito kasama ng kanyang anak na si Nate.

"Ang pagsubok lagi na talagang kakabit ng buhay natin. Pero wag ka mag-alala, kakampi mo pa rin kami. #sajollibeeparinkami"

Nagpahayag din ang aktres na si Maja Salvador, na latest endorser din ng Burger Steak meal nila ng kanyang pagmamahal sa nasabing fastfood chain.

"Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo at paghanga sa galing mong sumayaw, Jollibee. ILY!"

Isa naman ang Kapamilya diva na si Angeline Quinto sa milyun-milyong mamamayan na paborito na ang Jollibee simula pagkabata.

"Dear Jollibee, Maraming beses na nagdaan ang kaarawan ko noong bata pa ako na ikaw ang kasama namin ni Mama Bob. Hindi ko makakalimutan lahat yun. Kaya ngayon sa kabila ng mga nangyari, mananatilinh ikaw ang paborito ko. Dahil sa'yo, BIDA ANG SAYA!"

Tila dedma lang sa talent manager na si Ohie Diaz ang "TowelJoy at love pa rin nya ang kanyang paboritong Chickenjoy. Isa sa naging endorser ng Jollibee ay ang kanyang alaga na si Liza Soberano.

"Pasensya na. Love pa rin namin ang Chickenjoy ng Jollibee. Saka lang amo mate-turn off pag pritong kumot na ang makakain ko."

Short but meaningful ang mensahe ni Charlene Gonzalez-Muhlach para sa kumpanya, kung saan longtime endorser doon ang kanyang asawang si Aga Muhlach at isa sa icon ng Chickenjoy 

"Always and forever in my heart! I love you, Jollibee! #foreverjollibee"

Ganun din si Kapamilya actress at host na si Anne Curtis na sya ring ambassadress ng Family Thanksgiving campaign ng Jollibee.

"I love you forever, Jollibee!"

Isang mala-hugot namang mensahe ang ipinaabot ng dating MOR 101.9 employee at radio jock na si Mr. Right para sa kumpanya.

"Huwag kang mag-alala Jollibee, ang mahalaga, mas marami kang napasaya. Darating ang panahon maaalala rin nila ang tuwa na nilagay mo sa kanilang mukha."

Bukod pa sa kanila, marami ring netizens at maging ilang food enthusiast ang nagpakita rin ng pagmamahal sa Pinoy fastfood chain na naging bahagi na ng kulturang Pinoy at naging bida sa saya ng marami sa loob ng 43 taon.