- Trending ang bwelta ng isang dating Jollibee Manager sa babaeng nagbahagi ng nabili niyang crispy towel
- Nagpa Tulfo kasi si Perez dahil sa nakarating sa kaniyang crispy towel imbes na crispy chicken
- Kinukwestiyon nito ang biglaang paghingi ng danyos ng babae kahit di naman umano nito nakain ang crispy towel
Trending ang buwelta ng isang dating Jollibee Manager kay Alique Perez, ang babaeng nagbahagi ng karansan niya matapos na makatanggap ng crispy towel imbes na crispy chicken.
Ilang araw kask matapos na mag viral ang kaniyang post ay lumapit si Perez sa programa ni Raffy Tulfo upang aniya ay mabigyang aksyon ang di katanggap tanggap na nangyari sa kaniya.
Sa nasabing programa ay iginiit niya na kumuha na siya ng lawyer at humihiling ito ng danyos para sa natanggap niyang crispy towel, tila taliwas ito sa nauna niyang pahayag na for awareness ang kaniyang pagbabahagi ng kwento niya lalo pa't hindi naman daw nila ito nakain.
Samantala sa kaniyang facebook account ay nagbahagi ng kaniyang saloobin si Jeffrey Sabino Padoga, dating Jollibee Manager, patungkol sa tila kwestyunableng pakay ni Perez.
"TULFO agad mam?, pwede naman between you and the branch lang for sure aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin 40 plus yra na si jollibee alam nila gagawin sa complaint," panimula ni Padoga.
Ibinahagi nito na hindi naman daw si Tulfo ang kinakailangang mag ayos ng bagay na ito, si Jollibee pa umano mismo ang gagastos sa pagpapa medical nito kung kinakailangan.
"And di naman tulfo ang magsosolve ng prob.. Hindi naman po kinaen yung towel fried ehh
if ang concern dn is yung safety pwede po kau magpa medical or if sino mam incase natikman or nakagat ung towel sagot ni jollibee yung all expenses sa medical," dugtong nito.
Kwinestiyon din nito ang tila biglang pagbabago ng isip ni Ate na noong una ay for awareness lamang ang gusto niyang ibahagi ngunit ngayon ay humihingi na ito ng danyos.
"Sa unang statement mo Mam sabi mo wlaa kang habol sa jollibee sabi mo for awareness lang... then kini clear ni Tulfo na for awareness lang ba daw ang post nya walang money purposes? biglang meron na din daw hmmmmm," pakli pa nito.
Samantala binura na ni Alique Perez ang trending post niya matapos na maglabas ng statement ang pamunuan ng Jollibee.
Basahin naman dito ang huong pahayag ni Padoga: