Oh No!, LBC Personnel di tinanggap ang ipapadala ng customer na Wig dahil human parts daw ito?

Oh No!, LBC Personnel di tinanggap ang ipapadala ng customer na Wig dahil human parts daw ito?

Oh No!, LBC Personnel di tinanggap ang ipapadala ng customer na Wig dahil human parts daw ito?
- Trending ang isang kwento ng netizen patungkol sa ipadadala nya sanang package

- Tinanggihan umano ng LBC Personnel ang package na ipadadala nya sana dahil under Human Parts daw ito

- Ipinakita at ipinaliwanag ng netizen na Wig lamang ang mga ito ngunit ayaw pa rin itong tanggapin ng staff

Trending ang isang kwento ng isang netizen patungkol sa na experience niya sa pagpapadala ng package sa LBC.

Bahagi ng kwento niya na matagal na umano siyang nagpapadala ng mga gamit sa pagku cosplay dahil ito ang ikinabubuhay niya.

Maging sa nasabing branch ay matagal na siya nitong customer at maayos naman umano ang nagiging transaksyon nya sa branch na ito, maliban na lang isang araw.

Ayaw umanong tanggapin ng staff ng LBC ang ipadadala niyang damit at wig, kwento pa nito na tila pinandirihan pa raw ang wig niya dahil sa takot na ulo umano ito ng tao.

Human Parts umano ang ipadadala nito kaya naman ayaw itong tanggapin ng staff dahil ilegal umano ito at mahigpit na ipinagbabawal.

Depensa naman ng netizen na hindi ito human parts at prostethic wig lamang ito, gawa pa raw umano ito sa plastic at hindi sa totoong buhok ng tao.


Tinawagan pa umano ng staff ang head office upang ipaalam ang pangyayari, kwento raw ng staff na Human Parts ito at hindi wig.

"Maam Diba bawal po human parts. May namimilit po dito magship, sinasabihan ko na po pero gusto po ng proof," sabi umano ng staff sa head office nito.


Sobrang kahihiyan umano ang naramdaman ng netizen sa hindi magandang trato sa kaniya ng staff na ito lalo pa at hindi nito binusisi ang nais ipadala ng customer.

Source: Hannah Rico/Facebook