Matapos tanggihan ng hospital dahil walang pera pang swab test, Ina isinilang ang sanggol sa kalsada?

Matapos tanggihan ng hospital dahil walang pera pang swab test, Ina isinilang ang sanggol sa kalsada?

Matapos tanggihan ng hospital dahil walang pera pang swab test, Ina isinilang ang sanggol sa kalsada?
- Isang Ina ang siyang nagsilang ng kaniyang anak sa kalsada ng Quezon City 

- Dahil sa wala itong pambayad para sa swab test ay tinanggihan umano sila ng hospital

- Pawang Kargador lamang ang asawa ng babae kaya wala itong extra money para sa ibang gastusin

Nanganak ang isang babae, na siyang residente sa Quezon City, sa gitna ng kalsada sa loob ng mobile matapos na hindi ito tanggapin ng hospital.

Ayon kay Maria Ronessa Serna na isa sa miyembro ng task force disiplina ay madaling araw ng madaanan nila sa kalsada ang mag asawa kung saan humingi ng tulong dahil manganganak na ito.

Matapos na sumakay ang mag-asawa ay dito na nga nanganak ang babae, "Manganganak na po, palabas na po talaga ‘yung bata. Pagtayo, putok na si panubigan at hindi na po niya kinaya eh. Pag akyat po ng mobile, higa na po," ani ni Serna.

Sa kwento nang ina na nanganak ay dalawang lying in at isang hospital ang pinuntahan nilang mag-asawa ngunit hindi umano sila tinanggap dahil kinakailangang magbayad agad sila sa pagpapa- swab test.

Ni re require umano ng hospital ang Ina na magbayad ng P4,800 para sa pagpapa swab test muna nito bago ito i admit sa hospital.


"Kailangan daw ng swab test… pag mabilisan P4,800 yata. Wala po kaming pera kasi kargador lang po ‘yung asawa ko," ani ng babae.

"Kung emergency lang po sana, sana matanggal na lang po ‘yung swab test. Ang hirap po talaga lalo na sa kagaya namin na kapos-palad talaga," hiling ng ina.

Matapos ang insidente ay naidala naman sa isang Lying In ni Serna ang mag anak at nasa mabuting kalagayan na umano pareho ang mag-ina.


Dagdag pa ni Serna na hindi ito ang unang beses na naranasan niya ito, kagaya ng una ay nanganak din ang isang ina sa kanilang mobile dahil sa walang pang gastos na pambayad sa swab test sa mga hospital na nilalapitan nito.