- Nagbahagi ng Instagram post si Kristine Hermosa para sa asawang si Oyo Sotto
- Ito ay para sa pag gunita ng Father's Day ngayong araw
- Proud na proud si Kristine bilang asawa ni Oyo Sotto
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng iba't-ibang litrato, kasama na ng kaniyang mensahe si Kristine Hermosa para sa asawang si Oyo Sotto.
Ito ay para sa Father's Day na ginugunita ngayong araw ng Linggo.
![]() |
Binati nito ang kaniyang asawa, kaakibat ang pagbabahagi ng kwento kung saan dahil sa paniniwala nito sa Diyos kaya ang kanilang tinatahak sa buhay ay matiwasay.
![]() |
"You as the anchor of our family is reassuring knowing that your whole being is only anchored to the Lord."
![]() |
"Happy Father’s Day @osotto, You are a great father to our children… I’m proud of you! Thank you. Happy father’s day to all Dads out there."
![]() |
Sa isa pang post ay binati rin nito si Oyo kasama naman ang amang si Vic Sotto.
![]() |
"A father who inspires greatly, Happy father's day Dad," ani pa ni Kristine sa caption nito.
Photos from @khsotto and @osotto (Instagram)