- Naglabas na ng official statement ang Jollibee hingil sa crispy towel incident
- Ipinasara nito ang BGC Branch nila sa loob ng 3 araw kung saan nagmula ang order ng netizen na nag viral
- Multang P100,000 at pagsasara ng higit sa isang buwan, maaaring maipataw sa naturang establisyemento
Naglabas na ng official statement ang Jollibee kaugnay sa kontrobersiyang kinaharap nila matapos na mag viral ang isang post patungkol sa isa sa mga pagkaing ibinibenta nila.
Isang netizen kasi ang nagpost ng panghihinayang niya sa nabiling produkto mula sa Jollibee na imbes na crispy chicken ay crispy towel pala.
Sa kanilang statement ay ipasasara umano nila ang branch na pinagmulan ng order at masusing iimbestigahan ang pangyayari.
"As a result of this incident, we have directed the Jollibee Bonifacio-Stop Over branch to close for three days…to thoroughly review its compliance with procedures and retrain its store team to ensure that this will not happen again," ani ng Jollibee.
"Jollibee has carefully developed and complied with food preparation systems to ensure that we deliver excellent quality products and customer satisfaction. We will continue to endeavor to deliver on the high standards we have set for ourselves and our franchisees."
Ayon sa ating batas sa ilalim ng Republic Act No. 10611 or the Food Safety Act, ay maaaring magmulta nang higit sa P100,000 at isang buwang ipasasara ang anumang establisyementong mapapatunayang nagpabaya sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa kanilang produktong ibinebenta.