Grab Philippines naglabas ng statement kasunod ng balitang ibo-boycott ng Riders ang BTS Meal ng McDo

Grab Philippines naglabas ng statement kasunod ng balitang ibo-boycott ng Riders ang BTS Meal ng McDo

Grab Philippines naglabas ng statement kasunod ng balitang ibo-boycott ng Riders ang BTS Meal ng McDo
- Trending ang usapin hingil sa di-umano'y balak na pambo boycott ng Grab Riders

- Patungkol ito sa paparating na McDo BTS Meal

- Sa inilabas na anunsyo ng Grab Philippines ay hindi umano nila tinu tolerate ang ganitong pambu boycott

Kumalat sa social media ang usapan ng ilan sa mga Grab Riders patungkol ito sa tila pagbibiro ng ilan sa nais nilang pambu boycott sa BTS Meal.

Nalalapit na kasi ang pagiging available ng limited edition ng McDo PH sa isang espesyal na meal na dedicated sa sikat na South Korean boyband na BTS.

Sa isang facebook group ng mga Grab riders ay naging usapan dito ang naturang pagiging available ng BTS Meal.

Ani ng isang rider sa kaniyang post, "Handa na ba kayong mag day off sa friday mga ka BIOT," kaakibat ang isang laughing emoji.



Pinutakte ito ng tila pag sang ayon na kumento mula rin sa iba't-ibang riders, karamihan sa mga ito ay nag biro na mag di day off agad sila o kaya naman ay auto cancel daw sa mga magtatangkang umorder.

Usap usapan nga ito sa Twitter world kung saan kinaiinisan ng mga Armys ang naturang post at kumento ng ilang Grab riders.

Sa inilabas na statement ngayong araw ng Grab Philippines ay hindi umano nila tinu tolerate ang ganitong gawain.

Ayon sa kanila ay na suspend na raw ang ilan sa mga delivery partners nila dahil sa pangyayaring ito.

from Grab Philippines

Magsisimula ang naturang limited edition meal ng McDo ngayong Biyernes June 19.

Matatandaang naging usap usapan din kamakailan ang 'BTS Biot' na siyang pinag mulan ng ilang pag aaway away ng mga fans.