- Pinarangalan ang Kapmilya Actress na si Francine Diaz isang Ambassadress ng Southville International School
- Ang naturang unibersidad ay itinuturing bilang pioneer pagdating sa Transnational Education
- Sa kaniyang Instagram account ibinahagi ni Francine ang naturang magandang balita
Pormal na pinarangalan ang 'Kadenang Ginto' breakout star na si Francine Diaz bilang Ambassadress o Paladin ng Southville International School Affiliated with Foreign Universities nitong Lunes, kung saan pinili niyang mag-aral ng Senior High School sa ilalim ng ABM strand.
Ang nasabing International school ang ay ang katangi-tanging unibersidad sa Pilipinas na nagbibigay ng 100% foreign university credentials at tinuturing na pioneer pagdating sa Transnational Education.
Kabilang sa mga oportunidad na meron si Francine bilang SISFU SHS-ABM Programme-Dual Qualifications student ay makakuha ng Higher National Certificate sa United Kingdom, na pinakamalaking education provider sa buong mundo, sa pamamagitan ng Pearson.
Sa kanyang Instagram post ay inihayag ng actress ang kanyang kasiyahan at excitement bilang isang opisyal na mag-aaral ng nasabing institusyon.
Bumuhos naman ang pagbati sa batang aktres mula sa mga kasamahan sa industriya maging ang mga dati niyang nakatrabaho sa seryeng 'Kadenang Ginto' na sina Adrian Alandy at Kat Galang.
Kabilang din sa nag-iwan ng congratulatury message ang beteranang aktres na si Eula Valdez na kasamahan ni Francine sa seryeng 'Huwag Ka Lang Mangamba', na kasalukuyang umeere sa primetime slot ng Kapamilya Channel tuwing Lunes hanggang Biyernes.