- Simula May 25, 2021, walong sunod na record breaking episodes ang naitala ng teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano sa concurrent views sa online, mula 120 libo hanggang higit 150 libong views.
- Kasabay ng pag-angat ng views online at lalong umiinit na bakbakan ay ang pamamaalam ng ilan sa mga karakter ng nasabing action-drama series.
- Ang patuloy na pag-angat ng views online ang patunay na wala pa ring bumitaw sa pagtutok ng sambayanan sa misyon ni Cardo Dalisay.
Mula noong May 25, 2021, sunud-sunod na ang naging pasabog at pangyayari sa longest-running Philippine television series sa modern era na FPJ's Ang Probinsyano, kaya naman patuloy ang pagdami at pagtutok ng mga Kapamilya at kaProbinsyano mula free TV, cable hanggang online.
Kaya naman sa loob ng 8 gabi, sunud-sunod rin ang pagbasag ng FPJAP ng sariling mga record nito sa dami ng views sa Kapamilya Online Live sa YouTube lalo kapag oras na ng naturang serye upang abangan ang mga mas umiinit na eksena sa patuloy na pagganap ng misyon ni Cardo Dalisay, na ginagampanan ni Primetime King Coco Martin.
Sa #FPJAP5Sisihan episode noong May 25, 2021, kung saan sinisi nang husto ang karakter ni P. Capt. Lia Mante (Jane de Leon) sa pagkakabaril kay Alyana (Yassi Pressman), nagtala ito ng hanggang 120,011 views, mas mataas sa #FPJAP5Paguwi episode nito noong May 24 na umabot ng 114,170 views.
Mula dyan, pataas na nang pataas ang dami ng mga nanonood online ng nasabing programa. #FPJAP5Unahan episode noong May 26, 2021, ang tagpo kung saan sinubukang unahan ni Ramil (Michael de Mesa) ang grupo ni Renato Hipolito (John Arcilla) sa kampo nina Cardo upang bigyang-babala sa paparating na kalaban, ay umabot nang hanggang 120,396 views.
Ang #FPJAP5Hudas episode noong May 27, 2021, kung saan nalaman na si Lito (Richard Gutierrez) ang nanghudas sa Task Force Agila at tunay na dahilan ng pagkamatay ni Alyana ay naglista ng bagong record noon na 125,681 views.
Ang #FPJAP5Defensive episode noong May 28, 2021, kung saan nilulusob na ng grupo nina Renato at Jacob (Marc Abaya) ang kuta nina Cardo, ay nagtala ng hanggang 126,897 views.
Matapos ang dalawang araw na pahinga nitong weekend, mas umangat ang records ng mga sumunod na episodes. Ang #FPJAP5Perimeter noong May 31, 2021, kung saan nabaril ang caretaker na si Ramon (Eric Nicolas) ay nakapagtala ng hanggang 128,817 views.
#FPJAP5BackUp noong June 1, 2021, kung saan nag-alok ng tulong si Lia para kina Cardo, ang nagmarka na naman ng panibagong record na 137,781 views.
Ang lalong umiinit na labanan ng Task Force Agila at ang grupo nina Renato sa #FPJAP5Kapit noong June 2, 2021 at naglista muli ng new record na 145,813 views.
At ang #FPJAP5BuwisBuhay nitong June 3 2021, kung saan nasaksihan ng marami ang pamamaalam ng mga magulang ni Alyana na sina Mang Teddy (Joel Torre) at Aling Virgie (Shamaine Buencamino) ang bumura sa lahat ng mga naunang record, na umabot sa 154,039 views.
Inaasahang mas magiging consistent ang dami ng views nito sa mga susunod na kabanata habang paganda nang paganda ang istorya nito patungo sa ika-anim na taon ng FPJAP.
Isang patunay na marami pa rin ang hindi bumibitaw sa laban ni Cardo Dalisay para sa bayan at upang mapuksa ang kasamaan sa bansa.
Patuloy na subaybayan ang FPJAP na hatid ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN, gabi-gabi, alas-8:00, sa Kapamilya Channel at Cinemo sa cable, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWantTFC, TFC sa online, TV5 at A2Z Channel 11 sa free TV. Mapapanood rin ang FPJAP sa WeTV iflix.