Dalawang linggo ang nakaraan noong inilunsad ng Kapamilya Network ang dance music video nito tampok ang mga boses ng rising P-pop group na BGYO at ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, kalakip ang nakakaindak na tunog at sayaw at nakaka-LSS na lyrics, na talagang magpapa-hook-up na naman sa mga Kapamilya.
Sa paglunsad naman ng "special ID" nito, kasama na ang Kapamilya stars mula sa mga iba't ibang programa, teleserye, variety shows, talk shows, news programs, maging ang mga upcoming talents, jocks, personalities at staff ng Kapamilya Network na todo-bigay sa pagsayaw ng "Feel Good Pilipinas" Dance sa kani-kanilang mga lokasyon.
Kasama rin sa nasabing video ang mga gawain at mga pagtulong na ginagawa ng ABS-CBN sa mga kababayan, na tanda ng kanilang pagiging totoo sa kanilang slogan na "In The Service of The Filipino" at maging ang kabutihan, malasakit at serbisyo na ginagawa ng ilan nating kababayan sa panahon ng pandemya ay kasama rin sa video.
Nariyan din ang mga sari-saring paraan para mapanood ang ABS-CBN gaya ng TV5 at A2Z sa free TV, Kapamilya Channel sa cable, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWantTFC, TFC at WeTV iflix sa online.
Nandoon rin sa nasabing "special ID" ang ilan sa sponsored products at advertisers na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa ABS-CBN sa kabila ng pagkawala nito ng prangkisa gaya ng mga produkto ng Unilever, Nestlé, Calla Detergent at marami pang iba. Kasama rin sa video ang ilan sa mga Pilipino na patuloy na nagte-trending at pinaguusapan dahil sa kanilang angking galing at talento.
As of this writing, pumalo na ang YouTube video ng "Feel Good Pilipinas" Special ID sa higit 86 libong views sa loob lamang ng halos 3 oras at inaasahang tataas pa ito dahil sadyang kaabang-abang ang bawat SID (station ID) na pinapalabas ng ABS-CBN na tradisyon na sa network mula pa noong 2002.
Talaga namang gumagawa pa rin ng paraan ang ABS-CBN para sa ating lahat, mga Kapamilya, sa kabila ng pagsubok, pandemya at kawalan ng prangkisa. Talaga naman andito pa rin ang liwanag at ligaya na dala ng bawat isang Kapamilya na nagdadala ng sigla at pag-asa. Kaya naman talagang nakaka-FEEL GOOD ang pakiramdam sa bawat Pilipino na sa kabila ng lungkot at unos, andito pa rin ang saya at pag-asa sa ating lahat.
Panoorin ang "Feel Good Pilipinas" special ID dito: