Lola na mag-isang naghahabi ng basket para sa pang-gastos nya araw-araw, dinagsa ng tulong

Lola na mag-isang naghahabi ng basket para sa pang-gastos nya araw-araw, dinagsa ng tulong

Lola na mag-isang naghahabi ng basket para sa pang-gastos nya araw-araw, dinagsa ng tulong
- Kinahangaan ngayon ang isang Lola dahil sa angking talento nito sa paghahabi ng mga basket

- Mag-isa nya lamang itong ginagawa at sa isang masukal na kagubatan niya pa kinukuha ang mga materyales sa pag-gawa

- Isang guro ang nagbahagi ng kaniyang kwento sa Facebook na dahilan upang dagsain siya ng tulong

Isang lola mula sa Misamis Occidental ang kinahahangaan ngayon sa social media dahil sa galing nito sa paghahabi ng woven baskets.

Sa isang facebook post na ibinahagi ni Claire Borres Adaza na isang guro ay ibinahagi niya ang larawan ni Lola Narcissa at ang mga gawa nitong woven baskets.

Ani ni Adaza ay humanga siya sa kwento ng tapang at kasipagan ni Lola Narcissa na mag-isang ginagawa ang naturang woven baskets.



"Helping out Nanay Narcissa, sell her woven baskets. She lives in the neighborhood ng parents-in-law ko. Sya lang po mag-isa gumagawa ng mga ito at kumukuha ng nito vines sa gubat. I am really fascinated by her skills!," ani ni Adaza.



Sa ilang updates ni Adaza ay marami ang humanga talaga kay Lola Narcissa at nagbigay tulong dito at may ilan na nagbigay pa mismo ng pera bilang tulong kay Lola.

"Naibigay na po natin ang pinapaabot nyo pong tulong para kay nanay Narcisa na umabot sa halagang 10, 130php. Maraming salamat po for your kindness and generosity. Lubos na natutuwa at nagpapasalamat si Nanay Narcisa po sa inyo."

Sa latest update pa nga ni Adaza ay mismong Mayor na ng Oroquieta City ang tumulong kay Lola Adaza at binigyan ito ng sariling trabaho.

"Binisita sya ng Mayor ng Oroquieta City dahil sa pag-viral ni nanay sa social media. According sa post ni Mayor Acosta, inofferan po sya ng trabaho na magturo po sa paggawa ng mga woven baskets."



Labis ngang natuwa si Adaza sa nangyari kay Lola Narcissa at hiniling nito na maging eye opener sa lahat ang naging magandang pangyayari kay lola.

"Sana po ay maging eye-opener po ang buhay ni nanay Narcisa sa ating lahat at sa gobyerno. At sana mabigyan po ng opportunity para sa source of livelihood ang mga taong nakatira po sa mga remote areas na walang ibang hinangad na mga materyal na bagay kundi ang mabuhay, makakain ng tatlong beses sa isang araw."

Source: Claire Borres Adaza | Facebook