- Labis ang pagsisisi ang naramdaman ng isang netizen matapos malimas ang pera niya
- Isang nagpakilalang magbibigay ng pera ang siyang niloko at nilimas ang kaniyang pera
- Mahigit sa P15k ang nalimas sa kaniyang Gcash account
Labis labis ang panghihinayang at kalungkutan ang siyang nadarama ngayon ng isang netizen na nag-ngangalang Jayvee Buracan dahil sa pagkaka scam sa kaniya.
Sa kaniyang facebook account ay ibinahagi nito ang pakikipag usap niya sa isang nagpakilalang lalaki na magbibigay donasyon umano sa kaniya.
Bago nito una na kasing nagbahagi si Buracan ng post kung saan humihingi siya ng tulong sa pagpapa gamot ng kaniyang amang may sakit sa pamamagitan ng donasyon, upang matulungan siya.
Sa ibinahagi niyang usapan nila ng isang lalaki ay magbibigay donasyon daw ito para sa kaniyang amang may sakit at magpapadala umano sa kaniyang GCash account mula sa BDO kung nasaan siya ng oras na iyon.
Hiningi ng lalaki ang information mula kay Buracan na agad naman niyang ibinigay sa pag-aakalang magbibigay ito ng tulong sa kaniyang ama.
Makailang beses na humingi ng code ang naturang lalaki upang ma-access na nito ang GCash account ni Buracan.
Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay nalimas na ang laman ng kaniyang GCash account na para sana sa pagpapagamot ng kaniyang ama.
Agad ngang nalimas ang laman ng GCash account niya at hindi na nagparamdam pang muli ang naturang lalaki na kausap lamang niya ilang minuto ang nakakaraan.
Nalimas ang mahigit sa P15k na naipon niya para sana sa pagpapagamot ng kaniyang amang may sakit.
Source: Jayvee Buracan | Facebook