Ipon Challenge!, Lalaki hinangaan sa pagkakapuno niya ng isang drum na puno ng P20 bill

Ipon Challenge!, Lalaki hinangaan sa pagkakapuno niya ng isang drum na puno ng P20 bill

Ipon Challenge!, Lalaki hinangaan sa pagkakapuno niya ng isang drum na puno ng P20 bill
- Trending ngayon sa Social Media ang post ng isang Inang tuwang tuwa sa malaking achievement ng kaniyang anak

- Sa Facebook post ay ibinahagi ang litrato kung saan binibilang na ng kanilang pamilya ang naipon ng anak sa isang drum

- Ayon sa kwento ng lalaki, ay inipon niya ito mula sa pagtitinda niya ng isda 

Trending at usap usapan ngayon ang isang Facebook post ng isang ina na si Gemma Tolero.

Proud na proud kasing ibinahagi nito ang mga litrato kung saan makikitang masaya silang nagbibilang ng mga 20 Peso bills mula sa isang drum na inipon umano ng kaniyang anak.

Ayon sa kwento ng anak nitong si Gerdan Tolero, 22years old na siyang nag ipon sa isang malaking drum, ay inipon niya ito mula sa pagtitinda niya ng isda.


Ayon pa dito na nakapagdesisyon siyang mag ipon dahil na rin sa nangyaring sunog sa kanilang bahay kung saan ang buong pamilya niya ay walang wala talaga.

Naging inspirasyon niya ang paghihirap nila nakaraang taon upang maka-ipon kaya naman nagtinda siya ng Isda at Gulaman.


"'Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, 'yong mga wants, luho, 'di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko," ani pa ni Gerdan.


"Anak nagulat ako kahapun binoksan mo ang napuno ang dram salamat anak sa best mo yan ang pangarap mo simula bata kapa ngayun tagumpay basta anak lage magdasal  sa dios kahit luckdown nagtetenda ka parin lalako isda sabi mo hindi ka titigil kahit luckdown," ani naman ng ina ni Gerdan sa kaniyang post.

Hindi na binahagi pa ni Gerdan kung magkano ang inabot ng kaniyang na-ipon.

Source: Gemma Columna Tolero