Biniling sariwang isda sa palengke, iba't-ibang basura natagpuan sa loob nito?

Biniling sariwang isda sa palengke, iba't-ibang basura natagpuan sa loob nito?

Biniling sariwang isda sa palengke, iba't-ibang basura natagpuan sa loob nito?
- Trending at usap-usapan ngayon ang isang post ng netizen patungkol sa sariwang isda na binili nila sa palengke

- Matapos hiwain ay nakita sa loob ang ilang maliliit na squid dito

- Ngunit mas nagulat sila ng tambad sa kanila ang ilang piraso ng basura na nakain ng isda

Usap usapan ngayon sa social media ang post ng netizen na nagngangalang Mary Vanessa Guzman Tan, kung ibanahagi nito ang naging karanasan ng ama.

Ani ni Vanessa na bahagi nang pang araw araw na gawain ng kaniyang ama ang mamili ng sariwang isda sa palengke.



Napagdesisyunan umano ng kaniyang ama na bumili ng higit sa isa o dalawang kilo ng sariwang isda na Dorado, dahil sa kalakihan umano nito ay ipinahiwa nito sa tindero ang naturang isda.

Nagulat sila ng tumambad sa kanila ang ilang maliliit na squid na siyang nakain ng naturang isda, ngunit mas ikinagulat nila ang ilang maliliit na piraso ng basura rito.



"There were candy wrappers, bottle caps of softdrinks, a yellow plastic spoon and salonpas. Basura sa tiyan ng isda," sabi pa ji Vanessa.

Dahil umano sa kapabayaan ng mga tao pati mga lamang dagat ay nadadamay.

“This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na kapag bukas ng tiyan ng isda, puro basura.," Dugtong pa nito.

Source: Facebook/Mary Vanessa Guzman-Tan