- Nangangamba sa kanilang buhay ang pamilya ng organizer ng Community Pantry
- Ayon sa kaniya ay nilapitan umano siya ng nga pulis upang tanungin kung anong organisasyon ang kinabibilangan niya
- Tahasan umanong nari-red tag ang pamilya nila dahil sa pagtulong nila sa pamamagitan ng Community Pantry
Humingi ng tulong si Ana Patricia Non, ang siyang nagpasimula ng Community Pantry sa bansa, kay Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos siyang lapitan ng 3 pulis.
"Natatakot po ako maglakad mag-isa papunta sa community pantry ng alas-5 ng umaga dahil po sa walang basehang paratang sa amin. Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag nyo masamain," sabi nito sa kaniyang post.
"Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda namin buong maghapon dahil po sa #RedTagging na nagaganap."
Natatakot umano sa seguridad ng kanilang pamilya si Non dahil sa nari red tag na siya at sinasabing kasapi umano siya ng mga terorista, samantalang pagtulong lamang sa mga mahihirap ang nais niyang gawin.
"Sigurado po maraming tao po ang pipila sa amin bukas pero kailangan po muna nila maghintay sa susunod na araw bago po ito maipamahagi. Lalo na po at nagkaproblema kanina ang ibang Community Pantry sa mga kapulisan."
Basahin ang kabuuan ng pahayag ni Non: