- Ang representante ng Myanmar na si Han Lay sa Miss Grand International ay nangangamba sa kaniyang buhay
- May ini-akyat na kasing warrant of arrest sa kaniya sa Myanmar sa oras na bumalik ito doon
- Dahil sa trending speech niya sa Miss Grand International kaya nagalit sa kaniya ang Gobyerno nila
Nito ngang nagdaang Miss Grand International ay nagbahagi ng kaniyang speech si Miss Grand Myanmar Beauty Queen Han Lay hingil sa paghingi niya ng tulong sa ibang bansa.
Kasalukuyan kasing may nagaganap na malawakang protesta ngayon sa Myanmar at ang militar ang kasalukuyang nasusunod sa nasabing bansa.
Sa speech ni Han Lay ay humingi siya ng tulong dahil sa nagaganap ngayon sa Myanmar na kabi kabilang kagutuman at patayan dahil sa nangyayaring kaguluhan.
Matapos nga ng kaniyang speech ay isiniwalat ngayon ni Han Lay na tinatakot siya ngayon ng militar ng Myanmar na sa oras na bumalik siya doon ay naka ready na ang warrant of arrest niya at agad siyang aarestuhin at ikukulong.
Mahigit sa 18 na artista o sikat na personalidad na rin ng Myanmar ang kasalukuyang may warrant of arrest, matapos na humingi rin sila ng tulong at mag protesta laban sa mga maling gawain ng militar.
Wala na ring Internet connection ang malaking bahagi ng Myanmar matapos na ito'y kontrolin ng militar.
Ani ni Han Lay ay nakakausap niya si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo at napaglalabasan niya ng kaniyang hinanakit dahil sa nangyayari ngayon sa sarili niyang bansa.
Siwalat pa ni Han Lay na bago pa man magsimula ang kompetisyon ay palagian siyang umiiyak dahil sa pangyayari, at lalo pa ngayon na hindi siya makabalik sa sarili niyang bansa.
Source: OMNI Filipino