Nagbahagi nga ng isang Instagram video ang kapamilya actor na si Jm De Guzman sa kaniyang account.
Ipinaliwanag ni JM na nasa kalagitnaan umano siya ng kanilang promo para sa upcoming teleseryeng Init Sa Magdamag ng atakihin umano siya ng panic attack.
“So i had a mild panic attack during our promo this afternoon.was having fun, tapos bigla nalang umatake. my handler asked me kamusta ako and i cant type so i sent her this video,” aniya..
Nagpasalamat ito dahil mabilis lamang umanong dumaan sa kaniya ang pangyayari: “thank God dumaan lang ng mabilis. and its been more than a month since the last attack,” sabi nito kasunod ang hashtag na spreadawareness..
Ipinaliwanag naman ni JM kung ano nga ba ang panic attack na siyang naramdaman niya kaninang hapon lamang..
“A panic attack is a sudden episode of intense fear that triggers severe physical reactions when there is no real danger or apparent cause..
“Panic attacks can be very frightening. When panic attacks occur, you might think you’re losing control, having a heart attack or even dying..
Sabi nito tsaka niya sinamahan ng mga hashtags na “If you have this remember you’ll be ok” at sa huli sinabi niyang stay positive..