Grupo ng ilang kababaihan, nilimas ang laman ng isang Community Pantry para lang sa kanila

Grupo ng ilang kababaihan, nilimas ang laman ng isang Community Pantry para lang sa kanila

Grupo ng ilang kababaihan, nilimas ang laman ng isang Community Pantry para lang sa kanila
- Trending at usap usapan ngayon ang isang grupo ng kababaihan sa Pasig City

- Nilimas kasi ng mga ito ang laman ng isang Community Pantry na para sa lahat ng mahihirap

- Nagdahilan pa umano ito na ipamamahagi rin nila ito sa kapitbahay


Trending na nga at usap-usapan ngayon ang isang grupo ng mga kababaihan sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Dahil ito sa panlilimas nila ng lahat ng laman ng isang Community Pantry na siyang proyekto upang makatulong sa mahihirap.

Ang konsepto kasi ng community pantry ay para ito sa mga mahihirap, maaari silang kumuha ng sapat lang at mga pangangailangan, maaari rin silang magiwan ng sa abot ng kanilang makakaya.


Ngunit ikinabigla ng marami ng ang grupo ng mga kababaihang ito ay nilimas ang lahat ng laman ng community pantry.

"Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' 

"Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n'yo,'" pahayag ni community pantry organizer Carla Quiogue tungkol sa insidente.


Photo of empty table courtesy of: Carla Quiogue, community pantry organizer.

Panoorin dito: