- Nagsalita at lumitaw na nga ang dalawa sa anim na kababaihang lumimas ng laman ng isang Community Pantry
- Ani nila na may basbas ng may-ari ang pagkuha nila ng laman ng nasabing pantry
- Labis na nasasaktan umano sila sa mga pang ba bash na natatanggap nila mula sa netizens
Nagsalita na nga ang dalawa sa anim na kababaihang nahuli sa ilang video, kung saan nilimas nila ang laman ng isang buong Community Pantry.
Sa isang interview mula sa isang News Program ay humarap ang dalawa at nagsalita tungkol sa kung ano umano ang katotohanan at ipinagtanggol ang kanilang mga sarili.
Nagpakilala ang dalawa bilang sina 'Shawie' at 'Ika', hindi nila tunay na mga pangalan, at sinabi ring kung kinakailangan ay ibabalik umano nila lahat ng kanilang kinuha.
Sabi ni Shawie, "Siyempre, nasasaktan po kasi kakaunti lang po din 'yon. Kaya po namin isoli 'yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media."
Labis labis na raw ang masasakit na salita ang natatanggap nila mula sa netizens lalo pa ang isa sa kanila na buntis pa man din umano.
"Yung kasamahan po namin, masyado na siyang bina-bash na hindi naman po talaga nila alam ang totoo," ani Shawie.
Saad niya, "Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, 'O, sige, okey lang, Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman 'yan sa karamihan.
"So pag-uwi namin, namahagi din kami., Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw."
Samantala kaakibat nito ang paglitaw ng isa sa mga kapitbahay ng anim na kababaihan na nagpatotoong ibinahagi rin umano nila ang mga nakuha mula sa Community Pantry.
"Pagdating nila dito, shinare nila agad yung kinuha nila sa community pantry, apat na itlog at dalawang noodles po, Malaking bagay na po para sa amin 'yon," sabi nito na ipinagtatanggol ang anim na kababaihan.
"Sana huwag po natin silang i-bash kasi hindi po nila alam lahat yung totoong istorya," pakiusap ng lalaking hindi naman nagpakilala at iniisip na baka isa lamang sa kamag-anak ng anim na babae kaya talaga nabigyan ng pagkain mula sa naturang pantry.
Source: 24 Oras | PEP