- Ibinahagi ni Bernadette Sembrano sa kaniyang Instagram account ang hindi magandang balita
- Nagulat umano siya dahil wala siyang nararamdamang anumang sintomas
- Hinikayat niya rin ang marami na magpabakuna kung available na ito
Inanunsyo nga ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano na nagpositibo siya sa sakit na Covid-19.
Sa kaniyang Instagram account ay ipinahayag niya ang hindi magandang balitang ito, "I just wanted to inform you that I tested positive for COVID.
"Nagulat din po ako. Kasi wala akong nararamdaman at all. In fact, I feel healthy. Wala pong symptoms. Pero meron kaming mandatory RT-PCR test sa work, so when it came out, nawindang din ako," sabi pa nito.
Nais umanong ipaalam ni Bernadette sa lahat na marami ang kagaya niya na siyang asymptomatic o walang sintomas na nararamdaman kaya maaari raw makahawa ng iba.
"But anyway, I am coming out para lang ma-enlighten ang marami sa atin. Kadalasan ang iniisip natin, pag COVID, yun pong mga pasyenteng mahina ang katawan na may tubo, nangangayayat, inuubo.
"Pero marami po ang kagaya ko na asymptomatic. Asymptomatic na feeling mo wala kayong sakit. Wala kayong COVID at patuloy po tayong naghahalubilo kasama ang ibang tao.
"'Yon yung nakakatakot kasi we can be endangering the lives of the people around us and the lives of our loved ones. So please practice the health protocols, coz we are doing it not only to protect ourselves, we are doing it to protect our loved ones."
Hinikayat din niya ang lahat na kung mayroon ng available na vaccine sa kani kaniyang lugar ay mabuting magpa vaccine na, at kaakibat ang palagian umanong pagdarasal.
"So, keep on praying. Sa panahon ngayon, hindi natin kaaway ang isa't isa. Ang kaaway natin, COVID. So, hopefully we can fight this together. So, God bless you and God bless everybody," sabi pa niya.