Babaeng dapat sana'y ikakasal na nahuli ang Groom na nambababae, ibinebenta na ng kaniyang Gown

Babaeng dapat sana'y ikakasal na nahuli ang Groom na nambababae, ibinebenta na ng kaniyang Gown

Babaeng dapat sana'y ikakasal na nahuli ang Groom na nambababae, ibinebenta na ng kaniyang Gown
- Trending at usap-usapan ngayon ang tungkol sa pagbibenta ng wedding gown ng isang babae

- Ayon sa kuwento ay ilang beses ng naurong ang dapat sana'y kasal nila

- Nahuli umano ng pamilya ng babae na may kalaguyo ang lalaki kaya agad na ipinatitigil ang kasal

Trending at usap-usapan na ngayon sa social media ang isang post kung saan ibinibenta na ang mga wedding stuffs.

Ibinibenta ang wedding gown, wedding ring maging ang venue na dapat sana'y paggaganapin ng reception ay ibinibenta na sa mahigit kalahati ng presyo upang mabawi lamang ang ginastos.



Ayon sa kwento ng nag post na si Junesa Ann Infante ay 11 years ng may karelasyon ang kaniyang kaibigang si Danica Saura na isang marino.

Nakatakda umano silang ikasal nitong Disyembre 21, 2020 ngunit idinelay ng March 27, 2021 dahil sa ECQ, na-delay muli dahil sa pagbabalik ECQ at nagkaroon ng final date na May 15, 2021.

Ngunit bago pa man dumating ang itinakdang araw ay nahuli na ang groom ay may kasa-kasama pa lang ibang babae sa isang beach.

Ayon pa sa post ay ang mismong babae (na kabit) pa ang siyang nag post ng mga litrato nilang dalawa at nagsilbing proof ng panloloko ng lalaki sa dapat sana'y papakasalan na niya.



Basahin ang kabuuan ng post:

Source: Facebook, Junesa Ann Infante