Seller inaway ng customer dahil sa mabilis na pagdating ng inorder nitong produkto?

Seller inaway ng customer dahil sa mabilis na pagdating ng inorder nitong produkto?

Seller inaway ng customer dahil sa mabilis na pagdating ng inorder nitong produkto?
- Nag rate ng 3 out of 5 stars lamang ang isang customer sa produktong ini-order nito

- Agad na tinanong ng seller ang naturang seller dahil sa kataka takang 3 stars na ibinigay sa kanila

- Nagalit pala ang customer dahil sa maagang pagkaka deliver ng inorder niyang produkto

Trending at Usap usapan ngayon ang post ng isang Lazada Online seller matapos niyang ibahagi ang naging pag uusap nila ng isang customer.

Sa simula ng kwento ay napansin ng seller na si Jace Sarmiento ang kataka takang 3 stars rate sa produkto nila ng isang customer sa kabila ng maayos na transaksyon nila.

Dito ay isiniwalat ng customer na nagagalit pala ito dahil sa umano'y maagang pagkaka deliver ng inorder niyang produkto.

"ok naman products kaya 3 star kasi disapointnent yan- March 19 lang ako nag order pero March 20 dumating. Sana sabihan nyo yungtaga deliver nyo na wag naman agad agad kasi pano pala kung wala ko pambayad nung araw na yon?

"Kea (kaya) nga Lazada ako nag order kc (kasi) ineexpect na 3 to 5 days bago dadating pero kinabukasan nadala agad...."

Sa kanilang pag uusap ay humingi pa ng pasensya ang seller sa customer dahil tila naabala pa ang customer sa nangyaring maagang pagdating ng inorder niyang produkto.


 
Sa pagpapatuloy ng kanilang pag uusap ay ipinaliwanag ng seller na makikita naman umano sa App ang progress ng kaniyang ini order na produkto, at wala umano sa kamay nilang seller ang pagdating nito kundi nasa sa delivery umano.



Ibinahagi pa ng customer na sa pagkakataong iyon pa lamang daw niya naranasan na dumating agad ang order niya pagka-kinabukasan.



Sa kabila ng paliwanag ng seller ay giniit pa rin ng customer na mali umano ang nangyaring maagang pag dating ng kaniyang ini order.



Sa huli ay sinabi na lamang ng seller na sa Lazada admin na lang daw umano diretsong magreklamo si customer dahil sa pangyayari.



Sa karugtong pang post ni seller matapos na mag viral nga ng post niya, ay ipinaliwanag nito na hindi niya hangaring maliitin o maka galitan ng marami ang customer, sa kabila nito ay hindi na niya ipinaalam pa ang buong pangalan ng customer.

Ani ni seller ay malaki pa rin ang respeto niya sa customer at pinangangalagaan niya ang privacy nito.

Source: Jace Sarmiento, Facebook