- Tinawag ni Harry Roque na isang mahabang bakasyon ang nangyaring lockdown dahil sa COVID-19
- Ipinaliwanag ni Pokwang na karamihan ng pinoy ay lalong naghirap at hindi bakasyon ang naganap dahil sa Lockdown
Tila nga yata sa tuwing magsasalita si Presidential Spokesperson Harry Roque ay talaga namang nagti trending ito at pinag uusapan ng lahat.
Nitong nagdaang araw lamang kasi ay naglabas ng kaniyang pahayag si Harry Roque.
Sa kaniyang pahayag ay ipinaliwanag nito ang nagaganap na Lockdown pa rin sa bansa kaugnay ang ekonomiya na rin.
Pinag tibay nito na tama lamang ang ginawa ng MalacaƱang na gawin Special Working Holiday ang mga araw ng November 02, December 24 and 31.
“Halos isang taon na tayong nagbakasyon dahil sa COVID-19. Siguro naman po ngayong nandito na ang bakuna, hayaan naman nating maka-recover tayo for lost time,” Sabi nito sa kanyang press briefing nitong Martes, March 2.
At sa kaniyang twitter account ay agad na pinalagan ni Pokwang ang naging pahayag na ito ni Roque.
"hindi po bakasyon ang tawag don sir! be sensitive naman po! bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi2 kasi wala kana trabaho? pano na pamilya at pangkabuhayan nyo?
"bakasyon poba yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemia? kung ganyan ang bakasyo edi ayoko na mag bakasyon," sabi nito.
Bukod pa rito ay maraming netizens din ang pinalagan ang pahayag na ito ni Roque at tila raw nagiging insensitive ito sa mga pinoy na naapektuhan ng lockdown.
Makaraan ang isang araw ay muling naglabas ng pahayag si Roque at nilinaw ang nauna niyang pahayag.
“Hindi naman po talaga bakasyon 'yan, kung hindi, hindi nakapagtatrabaho. Kaya ngayon na pupuwede na po tayong makapagtrabaho sana dahil nagbubukas na tayo ng ekonomiya, hayaan naman nating kumita at makapagtrabaho ang ating mga kababayan,” paliwanag nito.