- Pumanaw na sa edad na 63 ang OPM Icon na si Claire Dela Fuente
- Cardiac Arrest ang umano'y dahilan ng kaniyang biglaang pagpanaw
- Matatandaang kabilang ang anak niya sa Dacera Case
Gumising nga sa buong bansa ngayong umaga ang balita ng biglaang pagpanaw ng OPM Icon na si Claire Dela Fuente.
Ayon sa balita ng Showbiz reporter na si MJ Felipe ay pumanaw ngayong araw (March 30) ang OPM Icon.
"OPM Icon Claire dela Fuente passed away this morning due to cardiac arrest. Relatives of the singer confirmed her passing early this morning. Claire's son, Gigo, also confirmed this news. Dela Fuente was 63."
Ito nga ang agarang naging balita, at sa panibagong panayam sa anak nitong si Gigo ay isiniwalat nito na nag positibo ito sa Covid-19.
Dagdag pa ni Gigo na pumanaw ang kaniyang ina habang ito ay natutulog kagabi ng atakihin ng cardiac arrest.
Dahilan umano ang pinagsamasamang stress, anxiety, hypertension at diabetes ang naging dahilan ng pagkaka atake ng cardiac arrest.
Isiniwalat din ni Gigo na kasalukuyan din umano siyang positibo sa Covid ngunit walang anumang sintomas siyang nararamdaman.
Matatandaan pa na isa si Gigo na sangkot sa kaso ng yumao na ring flight attendant na si Christine Dacera, na magpa sa hanggang ngayon ay may umiiral na mga kaso sa magkabilang panig.