OFW na isa ng Milyonarya, hindi maiwan ang mga alaga at amo sa Dubai dahil umano sa kabaitan nila

OFW na isa ng Milyonarya, hindi maiwan ang mga alaga at amo sa Dubai dahil umano sa kabaitan nila

OFW na isa ng Milyonarya, hindi maiwan ang mga alaga at amo sa Dubai dahil umano sa kabaitan nila
- Isang OFW ang kinakahangaan ngayon ng marami dahil sa naging desisyon nito

- Isa na nga siyang Milyonarya ngayon dahil sa kaniyang pagsusumikap

- Ngunit hindi nya umanong magawang iwan ang kaniyang mga alaga at amo

Usap-usapan nga ngayon at talaga kinahahangaan ng marami ang desisyon ng isang pinay OFW na nasa Dubai ngayon.

Sa pagsisiwalat kasi niya ng kaniyang kwento ay naibahagi nito na kumikita sya ngayon ng malaki at umabot na nga sa Milyon ang nai ipon niya.

Ngunit sa kabila ng malaking ipon at kita niyang ito ay nananatili pa rin siya bilang isang Domestic Helper sa kaniyang employer na mahigit sa walong taon na niyang nakakasama.

Image from Global Pinoy Unlimited

Ani ni Rosie Vargas Villa, ang pinay OFW na ngayo'y nasa Dubai, ay hindi niya magawang iwan ang mga alaga at amo nito dahil sa kakaibang attachment na nabuo nito sa kaniya.

Napakabait umano ng kaniyang mga amo na kung ituring siya ay isa ng bahagi ng kanilang malaking pamilya.

Isiniwalat din nito na ang mga alaga nga niya ay itinuturing na siya bilang "Special Auntie" at hindi bilang isang helper lamang.

Sa kwento pa nga ni Villa ay makailang beses na rin siyang naging domestic helper sa ibang bansa kagaya na lamang ng Singapore at Hongkong.

Pinalad umanong mapadpad si Villa sa Dibai at dito ay di niya inaakalang makikilala ang mga amo at alagang ituturing na parang kaisa na ng kanilang pamilya.

Katwiran niya sa hindi paglisan sa mga amo nito ay aniya nauubos ang pera ngunit hinding hindi raw matatawaran ang naging kabutihan ng kaniyang amo at mga alaga.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng paghahanap ng ibang kababayan natin ng mapagkakakitaan sa labas ng bansa ay nakakakita rin sila ng mga taong totoong magmamahal at magpapahalaga sa kanilang ginagawa.

Isang Pagsaludo sa ating OFW na mga bagong bayani natin.

*Kwento mula sa Global Pinoy Unlimited