Ina ni Dacera at ilang Makati Police, nahaharap sa patong patong na kaso!

Ina ni Dacera at ilang Makati Police, nahaharap sa patong patong na kaso!

Ina ni Dacera at ilang Makati Police, nahaharap sa patong patong na kaso!
- Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang Ina ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera

- Maging ang ilang Makati police na naunang humawak ng isyu ay dawit din

- Sabay sabay na nag file ng kaso ang mga kaibigan ni Christine Dacera dahil sa maling paratang na ibinato sa kanila

Patong patong na kaso ang sa ngayo'y kakaharapin ng ina ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera, si Sharon Dacera kasama pa ang ilang Makati Police.

Ayon sa lawyer at tagapagsalitang si Mike Santiago ng limang kalalakihan na sina Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Gregorio de Guzman, Clark Rapinan at Valentine Rosales ay nagsampa ito ng dalawang set ng kaso.

Ayon pa sa kaniya ay ginawa ng lima ang tamang hakbang upang magsampa ng kaso at maibalik umano ang dignidad nila na nadungisan dahil sa naunang kaso.

Sa pamamagitan ni Santiago ay pormal na nagsampa ng kaso ang lima kina Sharon Dacera, pinsan ni Christine na si Katherine Anne Facelo, kaibigan ni Sharon na si Marichi Fong ng perjury, cyber libel, libel, slander, malicious prosecution, incriminating innocent persons and intriguing against honor.

Kabilang pa sa mga sinampahan ng kaso ang ilang polisya ng Makati City Police kasama si Chief Col. Harold Depositar, maging ang lawyer ng Dacera family na si Roger Reyes.

Sa ikalawang set ng kaso ay sinampahan nina Galido at Dela Serna sina Sharon, Fong, Facelo, Depositar, Oamil, Lopez at Alimurong ng mga kasong unlawful arrest, illegal detention, unjust vexation at grave coercion.

Ayon sa kanila ay tahasan umanong nagsasalita si Sharon Dacera ng mga salita upang madiin sila mga kasong hindi naman nila ginawa, kagaya na lamang ng pagbibigay ng droga kay Christine, maging ang pang ri rape umano dito sa kabila ng kawalan ng ebidensya.

Mariin umano itong sinasabi ni Sharon sa publiko sa kabila ng resulta ng medico-legal na ruptured Aortic Aneurysm naman talaga ang umano'y ikinamatay ni Christine Dacera.

Matatandaang naging maingay ang kaso sa biglaang pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera sa pagpasok pa lamang ng taon, kaluna'y napag alamang namatay ito dahil sa raptured aortic aneurysm taliwas sa naunang paratang na ito ay pinatay at nagahasa.

Source: PhilStar