- Nirerekumenda ng NBI na magsampa ng kaso sa 11 Kataong kasama ni Christine ng namatay ito
- Karamihan dito ay ang mga kaibigan din ni Christine Dacera
- Maging ang Medico-Legal team na nag embalsamo kay Christine dawit din
Sa opisyal na pahayag ng National Bureau of Investigation o NBI ay inirerekumenda nito ang pagsasampa ng kaso sa labing-isang kataong dawit sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon sa report na inilabas ng NBI ay kabilang sa mga kasong ito ay: Pag gamit ng Droga, perjury, obstruction of justice, reckless imprudence resulting homicide at falsification of an official document by a public officer.JUST IN: NBI recommends filing of obstruction of justice in the DOJ vs the occupants of the hotel room in the Dacera case investigation; Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, Darwin Macalla | via @Nikobaua pic.twitter.com/8mlmfr3Rwp
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 12, 2021
Kabilang nga rito ang Medico Legal team na siyang agad na nag-embalsamo sa katawan ni Christine Dacera ng namatay ito.
Ang inilabas na pangalan ng NBI ay kabilang din ang mga kaibigan ni Dacera na nakasama ito ng araw na namatay siya.
Ito ay sina Mark Anthony Rosales, Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Darwin Joseph Macalla, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis, Atty. Neptali Maroto, Louie de Lima, at si Southern Police District medico-legal officer Michael Nick Sarmiento.
Kasama mismo si Sarmiento na siyang Medico Legal Officer na siyang nagbigay ng order upang i embalsamo agad ang katawan ni Dacera.
Matatandaang nasawi matapos salubungin ng flight attendant na si Christine Dacera ang bagong taon noong January 01, 2021 kasama ang mga kaibigan nito.
Sa pinal na dokumentong inilabas ay lumitaw na opisyal na nasawi si Dacera dahil sa Anuerysym na natamo niya o sa madaling salita ay nasawi ito ng Natural cause.
Nauna na ring dineny ng mga kaibigan ni Dacera na hindi sila involved sa pagkamatay nito at pinasisinungalingan nila ang paratang ng pang ri rape dito.
Ayon sa Abogado ng pamilya Dacera ay nagpapasalamat ito sa naging pasya ng NBI ay mabibigyan na raw ng hustisya ang pagkamatay ni Christine.