Driver na magdamag nagta-trabaho, natiketan dahil lang naka baba ang face mask sa loob ng sasakyan

Driver na magdamag nagta-trabaho, natiketan dahil lang naka baba ang face mask sa loob ng sasakyan

Driver na magdamag nagta-trabaho, natiketan dahil lang naka baba ang face mask sa loob ng sasakyan
- Na-tiketan ang usang driver matapos mahuling naka baba ang face mask

- Nasa loob umano ng sasakyan ang driver ng hulihin at tiketan siya

- Isang linggong sahod ang ginamit niya upang matubos lamang ang lisensya

Ibinahagi nga ng isang netizen ang pangyayari sa kaniyang buhay ngayon sa kalagitnaan ng pandemya at ECQ na umiiral sa kalakhang maynila.

Si Vince Sangalang Derecho na isang Converge Driver ay nagbahagi ng pangyayari ukol sa pagkaka ticket sa kaniya ng otoridad na tila umano namimili lamang ng mga peperwisyuhin sa kalsada.

Sa paglalahad ni Vince ay pagod umano siyang nasa loob ng kaniyang minamanehong sasakyan ng pansamantala niyang ibinaba ang kaniyang face mask upang maayos na makahinga.

Ngunit nakita umano siya ng otoridad at agad na kinuha ang lisensya at tinekitan, narito ang buong pahayag niya.

"Share ko lang :) Driver ako ng converge maghapon din kami nasa initan at pagod mag kadkad ng fiber gano ba yung naka baba lang yung facemask ko pinara mo na agad ako at hinuli ng not wearing face mask," panimula ni Vince sa pagku kwento.


"Konting awa naman sa mga nag ttrabaho mag hapon nakababa lang para makahinga ako wala naman ako sa labas ng kalsada nasa loob ako ng sasakyan. 

"Training palang ako 2weeks 200 pa lang ang sahod ko yung sinahod ko na pagod sa init ng araw nawala lang ng isang saglit boss Ilang araw ko yan tinrabaho hindi naman kami namumulot ng pera. 


"Tapos violation na nakalagay 
(Disregarding Traffic Control Signals / Sign) pano po ng yari yun? tapos yung mga nasalikod namin na naka kotse driver hndi naka suot ng facemask d nyo pinansin nakakasama lang ng loob mga boss lumaban kayo ng patas parepareho tayo nag ttrabaho tanggap ko violation ko pero pumatas kayo yun lang :) wala din sa ayos suot mo ng facemask."


"Natubos ko n lisensya ko 1500," huling bahagi ng kwento niya.

Nawa'y magkaroon tayo ng pang-unawa sa isa't-isa lalo pa't patuloy na naghihirap ang bawat isa sa atin.

Source: Vince Jefersan Sangalang Derecho, Facebook