- Nagwagi ang representative ng Miss USA sa Miss Grand International 2020
- Nag trending na ito noong 2019 sa bansa dahil sa kaniyang naging interview noon
- Nagwagi naman bilang First Runner Up si Miss Philippines Samantha Bernardo sa Miss Grand International
Nitong nagdaang gabi nga (March 27, 2021) ginanap ang Miss Grand International 2020 kung saan kinoronahan si Miss USA bilang big winner.
Samantala naging First Runner Up naman sa nasabing patimpalak ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Bernardo.
Sa pagkapanalo ni Miss USA Abenna Appiah ay lumitaw muli ang naging trending interview nito noong taong 2019.
Sumali na rin kasi si Appiah sa nakaraang Miss Earth noong taong 2019 kung saan naging representative naman siya ng bansang Ghana.
Naging kumportable nga sa pananatili sa ating bansa si Appiah at maraming pinoy din ang siyang kaniyang nakasalamuha.
Sa kaniya ngang pananatili dito ay natutunan niya ang ilang pananalita ng ating bansa, maging ang ilang nakatatawang kasabihan na kaakibat ang pangalan ng kaniyang ni re represent na bansa.
"Ang batang malakas kumain ay laging may Ghana!," ito ang nasabi niya noon sa isang interview na natutunan niya.
Ang gana ay katunong ng pangalan ng kaniyang bansa na Ghana, at ang kasabihang iyon ay malimit na ginagamit sa Miss Gay bilang isang nakatutuwang kasabihan.
Sa kabila naman ng pagkabigo ni Samantha na masungkit ang naturang korona ay naging trending din ang naging reaksyon nito ng malaman niyang isa sa kanila ng kaibigang si Appiah ang maaaring magwagi ng korona.
Kagaya ng dalawang matalik na magkaibigan ay hinampas hampas ni Samantha si Appiah sa kalagitnaan ng announcement, dala ng kaba at tila pagiging tunay na malapit nila sa isa't-isa.
Congratulations Miss Philippines and Miss USA!.
@kapamilyaonlineworld Baka kaya tayo di nanalo kasi mapanakit tayo besh 😂😂###m#issgrandinternational #m#issgrandphilipines #f#yp #M#issGrand
♬ original sound - Kapamilya Online World