- Trending at pinag usapan ang isang video kung saan nakuha ang pagkahulog ng isang bata mula sa isang gusali
- Sa nasabing video nahulog ang isang batang babae mula sa 12 palapag ng tinitirhang gusali
- Sa karagdagang video ay nasagip siya ng isang netizen na delivery man
Naging usap usapan kamakailan lamang anh trending video ng isang tatlong taong gulang na batang babae na nakunan ng video ng isang netizen.
Naganap ang pangyayaring ito sa Nguyen Huy Tuong street sa Hanoi, Vietnam.
Kwento ng netizen ay nasakto lamang na nakita niya sa katabing gusali ang isang batang naka bitin na sa labas ng tinitirhang gusali.
Kuha mula sa isang video ng netizen |
Agad niya itong vinideohan at nagsisigaw umano ito upang marinig ng marami at mabigyan ng maagang aksyon/tulong ang naturang bata na anumang sandali ay mahuhulog na sa kinaklalagyan nito.
Napukaw ng pagsigaw niya ang isang delivery man na si Nguyen Ngoc Manh na kasalukuyang naghihintay umano upang pick-up hin ang ide deliver niya sa kalapit na gusali.
Nang mapansin umano niya ang dahilan ng pinag sisigawan ng nakararami ay dali dali itong umakyat sa isang bubong na siyang direktang pagbabagsakan ng batang babae mula sa mataas na gusali.
Sa isang anggulo ng video ay hindi man niya direktang nasalo ang bata ay agad niya naman itong nasaklolohan, dahil sa agaran niyang pagkilos ay agad na naisugod ang bata sa pinaka malapit na Children's Hospital.
Kwento ni Manh ay mula sa pagkahulog ay hindi umano umiyak ang bata ngunit napansin agad niya ang paglabas ng dugo mula sa bibig nito, samantala nagtamo naman siya ng isang minor injury sa kaniyang kamay matapos siyang matamaan ng pagbagsak ng bata.
Sa pangyayari ay wala namang iba pang malubhang pinsala na natamo ang bata maliban sa dislocated hip nito at maayos na ang kalagayan nito.
Itinuturing ngayong isang makabagong bayani si Manh dahil sa agaran niyang pagtulong sa nasabing batang babae, ani pa niya na kahit sino naman daw ay nakatitiyak siyang ganun din ang gagawin sa ganoong sitwasyon.
Isang malaking paalala rin ito sa mga magulang na triplehin ang pagbibigay atensyon at alaga sa kanilang anak upang hindi na mangyari ito sa iba.