Pulis na pumatay sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio, pagbabayarin ng P70 Milyon.

Pulis na pumatay sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio, pagbabayarin ng P70 Milyon.

Pulis na pumatay sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio, pagbabayarin ng P70 Milyon.
Nagbigay ng pinakabagong update si Raffy Tulfo mula sa kaniyang programang Wanted sa Radyo para sa kaso ni Jonel Nuezca.

Sa nasabing programa ay nakapapanayam ni Tulfo ang kaniyang abogado na siya ring abogado ng asawa ni Sonia Gregorio na si Atty. Freddie Villamor.

Ipinahayag ni Villamor na nai-presinta na nila para sa prosekusyon bilang testigo ang asawa ni Sonia at siyang ama ni Frank na si Florentino Gregorio.

"Thru him, in-establish po natin ang civil liability ng akusado at nanghihingi po siya ng total amount of more than PHP70 million," ani ni Villamor.

"To breakdown, nanghingi po siya ng PHP20 million that is PHP10 million each, for each victim."



"Tapos nanghingi rin siya ng PHP50 million for exemplary damages para huwag tularan ang ginawa ng akusado sa pagpatay sa kanyang asawa't anak (ni Florentino)."

"Bukod pa po doon, ko-kompyutin pa ng court 'yon, iyong compensatory damages, at under the law, entitled po siya sa tinatawag na civil indemnity na for every deceased or every victim, may 75,000," paliwanag ni Villamor.

"Kaya more than PHP70 million po ang total damages na hinihingi ng private complainant," ayon kay Atty. Villamor at sinabing ito ay depende pa rin kung ito ay mapagbibigyan ng korte.

Ang mga danyos na sinabi ni Villamor ay bukod pa sa pagkakakulong na siyang maipapataw para kay Jonel sa oras na mapatunayan ang mga akusasyon sa kaniya.

Matatandaang Disyembre 20, 2020 ng pumutok ang balita ng pagkamatay ng mag-inang Frank at Sonia Gregorio dahil na rin sa pagbaril sa kanila ng pulis na si Jonel Nuezca.

Enero ng taong ito ng naghain ng 'Not Guilty' si Nuezca o tahasan niyang sinasabing hindi kasalanan o walang krimen ang ginawa niya ng barilin ang mag-ina.

Ngayong Pebrero magaganap ang susunod na hearing at inaasahang makakadalo na sa nasabing hearing si Nuesca matapos na hindi nakadalo noong una dahil na rin sa kasalukuyan itong naka quarantine.