Trending at usap usapan na ngayon sa Social Media ang post ng isang Grab driver.
Ikinuwento kasi ng Grab driver ang pangyayari sa kaniya nitong nagdaang araw na siyang pinag uusapan ngayon ng netizens.
Sa nasabing facebook post ng Grab driver na si Abatayo Rommel ay ibinahagi nito ang pangyayari patungkol sa isang pasahero nito na kaniyang naisakay.
"Shout out nga pala sa pasahero ko kaninang umaga," panimula nito sa pagku kwento.
"At sa jowa nyang si Ar-r S. Gapusan ang nagbanta sa family ko lalo na sa anak ko at inakusahan akong magnanakaw. Dahil tito nya ay ex ncrpo chief. "
Ipinaliwanag nito ang buong pangyayari sa pagitan nila ng kaniyang pasahero at ang pangyayari na siyang dahilan ng pagbabanta sa buhay ng buong pamilya niya.
"Na pick up ko po yung jowa nya sa tampoy 2 Valenzuela. Papuntang lrt monumento. Along the road na po kami ng mc arthur highway ng nakiusap sya na pwede bumalik sa bahay nya kasi nakalimutan nya wallet nya hnd nmn po ako tumanggi kasi wala sya pang bayad kaya binalikan n namin.
"Nung nakuha nya na wallet nya at along the road po kami ng McArthur highway sabi nya nawawala nmn daw airpod nya. Hnd ko pinansin baka nakalimutan lang din nya ulit at malapit n kami sa drop off point ngunit tinanung nya ako kung nakita ko ba daw at sabi ko wala kasi nag drive lang ako at sya lang ang pasahero sa likod.
"Baka nakalimutan nya ulit sa bahay. Ngunit sinabi nya ay nasa sasakyan lang daw. Kaya sabi ko kung nasa sasakyan lang eh. Baka nahulog lang dyan o nasa loob lang ng bag nya. Ngunit sinabi nya wala kaya sabi ko. Check nlng natin po sa drop off point hanapin.
"Pina check ko pati front side ko para ma check nya kasi nag dududa sya na baka kinuha ko. Umabot siguro ng 10mns sya nag check ng sasakyan ko wala nmn sya nakita. Kahit sa driver side ko.
"Kaya sinabi nya na kunin nya daw number ko. Kaya ibinigay ko if incase na makita ko sa sasakyan ko kapag nag pa car wash ako. Eh macontact ko sya. Ngunit pagtapos ng ilang minuto ay nag pause ang grab app ko dahil nag reklamo sya. Kaya umuwi nlng muna ako.
"Habang kumakaen ako e bigla nag may nag message sa misis n jowa nung pasahero ko na si Ar-r S. Gapuzan na magnanakaw daw ako at tito nya daw ay ex ncrpo chief.
"Then pag check ko sa messager ko eh binantaan n ako kung hnd ko daw mababalik airpod nya or may mawawala sa akin then send photo ng anak ko.
"Shout po sayo sir. @Ar-r S. Gapusan naka blotter na po kayo. At bago mo i delete yung message mo sa akin ay na screen shot ko na," pagtatapos ng kwento niya.
Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 76,000 reactions at 42,000 shares na ang naturang post.