- Inatake sa puso ang beteranong broadkaster na si Doris Bigornia.
- Ito ang paunang anunsyo ng kaniyang kapartner na brodkaster na si Alvin Elchico.
- Kasalukuyan ngayong nasa ICU ito.
Nitong nagdaang Linggo ay inatake sa puso ang beteranong broadkaster ng ABS-CBN na si Doris Bigornia.
Una itong inanunsyo ni Alvin Elchico sa programa nilang SRO matapos na pukulin ng maraming katanungan si Alvin kung bakit hindi niya kasa kasama si Doris nitong Martes, Feb. 23.
“Bago po tayo mag-umpisa dahil marami po kasi ang nagtatanong so, nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa Doris Bigornia na sabihin po sa inyo, pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes,” sabi ni Elchico.
Inamin ni Alvin na humingi muna siya ng permiso mula sa pamilya ni Doris bago nito inanunsyo ang balita.
“Siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU. Ka-kaailanganin po ng ano eh, open-heart surgery. So ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin, so sa ngalan po ng pamilya ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, kami po sa DZMM Teleradyo ay humihingi po ng inyong panalangin,” dagdag pa nito.
“Ipagadasal po natin na mapagtagumpayan po ni Doris ang susuungin po niyang pagsubok kasi hanggang ngayon (nasa ICU). Nakaka-usap ko siya, conscious po si Doris, pero kakailanganin po niya ‘yong open heart surgery pagkatapos po ng atake sa puso."
Kilala si Doris Bigornia bilang Mutya ng Masa na kasalukuyang napapakinggan sa Radio show nila ni Alvin na SRO (Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon).
Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay ipinagdiwang ni Doris ang kaniyang ika-55 .
Humihingi ng panalangin ang mga kaanak at pamilya ni Doris Bigornia para sa agaran nitong pag galing.