Nakainom ka na ba ng Yakult?, At tinanong ang sarili kung bakit nga ba maliit lang ang lalagyan nito at walang big size?.
Ito nga ang malaking katanungan ng nakararami patungkol sa paborito ng lahat na Yakult.
Kaya naman diretsahan ng tinanong ng netizen na si 'Roseller Kempis' ang katanungan na ito ng lahat sa Yakult PH Page.
"Bata pa ako noon mula ngayon di ko parin po alam ang sagot. Bakit po ba walang malaking size ng Yakult?," tanong nito.
At hindi nga nabigo sa pagtatanong si Kempis dahil sinagot naman siya ng Yakult Philippines.
"That's an interesting question, Roseller. Thank you for thinking about us," bungad na sagot ng Yakult PH sa kaniya.
"Yakult avoids creating bigger bottles for the reason that Yakult must be consumed in one sitting. The products carry live culture that will be prone to contamination once it's not consumed at once."
"Having a bigger Yakult will make it prone to contamination by frequent opening and closing of the lid, Hope this helps!," kumpletong sagot ng Yakult PH na may kasama pang smile emoji.
Na siyang ikinatuwa ng netizen at napa-reply naman ito ng; "Wow thank you!!!"
At dito nga ay tuluyang nasagot na ang katanungan ng nakakarami hingil sa dahilan kung bakit nga ba maliit lamang at walang malaking lalagyan.
Sa isa pang screenshot na ibinahagi ni Kempis ay nagpasalamat din ang Yakult PH sa kaniya kaakibat ang isa pang panibagong kaalaman mula mismo sa kanila.
"You will also be glad to know that we use an 80 ML. bottle that contains just the right amount and sufficient good bacteria (8 billion Live Lactobacillus casei strain Shirota) to keep the balance of the gut and help improve digestion."
Ito pala ang kasagutan sa tanong nating lahat!, As of this writing ay umani na ng 43,000 reactions ang naturang post at may mahigit 81,000 shares na rin.